Advertisers

Advertisers

Isko, todo suporta sa 3-day Nat’l Vaccination Day

0 382

Advertisers

TODO suporta ang city government ng Maynila sa panawagan ni President Rodrigo Duterte at ng Inter-Agency Task Force (IATF) para sa mas pinaigting na mass vaccination kung saan nag- assign ng total na 75 sites sa lungsod upang makiisa sa three-day National Vaccination Day simula Nov.29 hanggang Dec.1, 2021.

Maagang pinasalamatan at pinuri ni Moreno sina Vice Mayor Honey Lacuna, na isang doktora at ang Manila Health Department sa pamumuno ni Dr. Poks Pangan dahil sila ang pisikal na mamamahala sa hakbang na ito ng nat’l gov’t na mabakunahan ang lahat ng wala pang bakuna sa tatlong araw na nabanggit.

“Makikisa po ang inyong pamahalaang-lungsod ng Maynila sa panawagan ni Pangulong Duterte at IATFs na tayo ay magbayanihan sa bakunahan, sa ating National Vaccination Day. To those who remain unvaccinated, whether Manilans or non-Manilans, please visit our vaccination sites,” sabi ni Moreno na standard bearer din ng Aksyon Demokratiko.



Bilang tugon sa panawagan ng Pang. D30 at ng IATF na pabilisin at paigtingin ang vaccination sa bansa, sina Moreno at Lacuna at nagtakda ng 18 community sites (para sa first at second dose ng Pfizer ng mga minors na edad 12 – 17 at lahat ng brands para sa booster shots ng mga health frontliners, seniors citizens at persons with specific comorbidities); apat na shopping malls (second dose para sa eligible minors); anim na city-run hospitals (first at second dose para sa eligible minors, first dose para sa A1 hanggang A5 categories, lahat ng brands at booster para sa A1, A2 at A3, lahat ng brands).

Sinabi pa ni Moreno na tatlong private schools ang gagamitin din sa administration ng first dose para sa eligible minors, ito ay ang Manila Cathedral School, Holy Child Catholic School at La Consolacion College, Manila. Ito ay bukod pa sa 44 health centers na nakakalat sa mga pamayanan sa anim na distrito ng Maynila.

Muli ay iginiit ni Moreno na paiiralin ang ‘open policy’ sa mass inoculation sa Maynila. Ibig sabihin lahat ay welcome na mabakunahan kahit hindi residente ng lungsod.

Samantala ay inanunsyo ni Moreno na ang latest batch ng pinakabagong anti-COVID medicines na inorder nila ni Lacuna noong isang buwan ay dumating na nitong weekend.

Ang 6,600 tablets ng Baricitinib,ayon kay Moreno, ay para sa moderate hanggang severe cases at tulad ng iba pang anti-COVID drugs na binili ng lungsod, ito ay ipamimigay ng libre sa lahat ng may kailangan maging residente man o hindi ng Maynila.



Bago ang Baricitinib at Molnupiravir, ang local government ng Maynila ay namigay na rin ng libreng Remdesivir at Tocilizumab sa mga pasyenteng may COVID sa loob at labas ng lungsod. Ang life-saving medicines na ito ay mahal at mahirap hanapin.

Ang tanging requirements lang para makatanggap ng libreng gamot ay doctor’s prescription , RT-PCR positive result at photocopy ng valid ID ng pasyente o ng kanyang representative. (ANDI GARCIA)