Advertisers

Advertisers

Libong magsasaka sa Sultan Kudarat, inayudahan ni Bong Go

0 259

Advertisers

Kinikilala sa kanilang napakahalagang papel sa pagpapanatili ng seguridad sa pagkain ng bansa sa harap ng pandemya, umaabot sa 1,581 magsasaka sa Lambayong, Sultan Kudarat ang inayudahan ni presidential aspirant Senator Christopher “Bong” Go noong Nobyembre 23 at 24.

Noong 47th Philippine Business Conference & Expo Presidentiables Forum noong Nobyembre 18, nangako ang presidential aspirant na patuloy niyang isusulong ang kapakanan ng mga magsasaka at susuporta sa mga programang tulong na magpapaunlad sa sektor ng agrikultura sa bansa.

Naniniwala sa mahalagang bahagi ng pambansang seguridad ang pagkain, ipinangako ni Go na isusulong ang Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) program na magbibigay kapangyarihan sa mga magsasaka at makaaakit ng mga potensyal na pamumuhunan.



Sa kanyang video message sa distribution activity na ginanap sa Lambayong Municipal Gymnasium, muli ring hinimok ni Go ang publiko na patuloy na suportahan ang mga hakbangin ng gobyerno laban sa COVID-19.

“Mga kababayan, hangga’t nandiyan pa ang COVID-19 ay delikado pa rin ang panahon. Binabalanse ng gobyerno ang lahat ng bagay pero pinakaimportante pa rin ang buhay ng ating mga kababayan,” ani Go.

“Kaya mag-ingat kayo palagi dahil hindi na natin kakayanin na magsasara na naman ang mga negosyo at tumaas ang bilang ng mga kaso. Mapupuno na naman ang mga ospital at baka bumagsak ang ating healthcare system. Iyan ang iniiwasan natin kaya pakiusap, ‘wag kayong makumpiyansa habang nagpapabakuna pa tayo,” idinagdag niya.

Namahagi ang pangkat ng senador ng mga meryenda, mask at bitamina sa mga magsasaka na apektado ng pandemya. Namigay din sila ng mga bagong pares ng sapatos, computer tablet at bisikleta.

Bilang karagdagan, ang mga kinatawan mula sa ilang pambansang ahensya ay nagpaabot ng suporta bilang bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na maibsan ang mga epekto ng pambansang krisis sa kalusugan sa mga mahihinang sektor.



Sa pamamagitan ng Rice Farmer Financial Assistance nito, namahagi ang Department of Agriculture ng tulong pinansyal. Sinuri din ng Technical Education and Skills Development Authority at Department of Trade and Industry ang mga potensyal na benepisyaryo para sa kani-kanilang mga programa sa pagtulong.

Bilang Tagapangulo ng Senate Committee on Health and Demography, hinikayat pa ni Go ang mga may problemang medikal na humingi ng tulong sa Malasakit Center na matatagpuan sa Sultan Kudarat Provincial Hospital sa Isulan.