Advertisers
ARESTADO ang isang binatilyo na ginawang courier o taga-deliver ng iligal na droga sa buy-bust operation sa Barangay Molino 2, Bacoor City noong Biyernes.
Itinago na lamang sa alias “Junjun” ang 14-anyos na suspek, habang ang dalawang kasamahan nito ay nakilalang sina Noryll Tan, 19; at Victor Austria, 33, pawang residente ng Brgy. Molino 2.
Sa imbestigasyon ni Patrolman Jerome Asid, isang drug drug-bust operation ang ikinasa ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit ng Bacoor City Police 8:45 ng gabi kasunod ng ilang araw nilang surveillance laban kay Austria.
Ang binatilyo ang humarap sa poseur buyer na pulis at siyang nagdala ng droga habang nasa ‘di kalayuan lamang ang dalawang kasamahan nito. Nang naiabot ang droga, agad inaresto ang binatilyo at nadakma rin ang dalawang kasama nito. Nasamsam sa tatlo ang may 10 piraso ng plastic sachet ng mahigit 6 gramong shabu na nagkakahalaga ng P40,800 at buy-bust money.