Advertisers

Advertisers

Jill Ejercito ‘lucky charm’ sa TVC ng erpat na si Sen. Jinggoy

0 462

Advertisers

MARAMING na-touch nang mapanuod ang bagong TV infomercial na itinampok si Sen. Jinggoy Estrada kasama ang kanyang amang si dating Presidente Joseph Estrada.

Iba’t ibang tao sa iba’t ibang sitwasyon ang ipinakita sa nasabing commercial na nagbibigay ng pag-asa sa bawat Pinoy na kahit ano pang dumating sa kanilang buhay ay maging matatag lang at may taong tutulong at gagabay sa kanila.

Nakadagdag ganda pa sa commercial ang pagkakanta ni Julienne ‘Jill’ Ejercito, ng campaign ad na pinamagatang ‘May Bukas Pa’. Punung-puno ng emosyon ang pagkakanta ni Jill at akmang-akma sa bawat pangyayari sa  commercial.



Sa edad na 15 ay kahanga-hanga si Jill na bunsong anak ni Sen. Jinggoy na buong emosyong naipamamalas ang magandang tinig.

Pangarap ni Jill na magkaroon ng singing career dahil passion na anya niya ang pagkanta mula nung 6-anyos pa lang siya.

Ano ang naging reaksyon niya noong nalamang siya ang kakanta ng campaign song ng papa niya?

“Of course I felt happy and got so excited when my mom told me that I was going to sing for my dad’s campaign song. I asked help from my brother, Kuya Julian to assist me on my recording since he does recording,” sabi ni Jill.

Sa ngayon ay Grade 10, Junior High School si Jill na ang mga paboritong singers at gustong maka-collab ay sina Moira Dela Torre and Zack Tabudlo.



Tsika pa ni Jill, hindi pa anya siya sure kung papasukin niya ang showbiz pero inamin niyang mga paborito niyang stars ay sina Bea Alonzo at Jodi Sta. Maria.

Nang matanong naman kung anong klaseng ama si Sen. Jinggoy na muling tatakbong senador sa 2022 election, sagot ni Jill, “makulit at mapagmahal.” (BKC)