Advertisers

Advertisers

LIGTAS AT MAKABAGONG BIKE LANES HANDOG NI BELMONTE SA MGA SIKLISTA

0 418

Advertisers

IKINATUWA ng maraming siklista ang ipinag-utos ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na pagandahin at gawing ligtas pa ang mga ‘bike lanes’ na ngayon ay halos 178 kilometro na ang haba sa buong lungsod.

Si Valentino Araojo ng samahang Batch 80 Sunday Road Bike Warriors, isa sa mga siklistang naghayag ng kasiyahan sa mga makabagong bike lanes na ipinatutupad ni Mayor Belmonte ang nagsabi na mas ligtas sila sa pagbibisikleta sa Quezon City.

“Ligtas kaming mga siklista sa mga bike lane ng QC. Isa, kampante ka sa dinadaanan mo. Safe ka, ika nga. Walang pipina sa iyo,” ang pahayag ni Araojo na ang tinutukoy ay ang dating 55 kilometro lamang na bike lanes at ngayon ay 178 na kilometro na sa paligid ng lungsod .



Si Joel Malabanan naman ng Barangay Culiat ay siklista ring binigyan naman ang kahalagahan ng bike lane. “Lalo ngayon, pansinin mo madami na ang nagbibike, di lang mga hobbiest kundi gamit na din talaga (ang bisikleta) sa pagtratrabaho. Mahalaga ang bike lanes, iwas aksidente,” ang pahayag ni Malabanan.

“Sobrang mahalaga (ang mga bike lanes). Nabibigyan na ngayon ng pansin ang mga siklista. Safety ang isina-alang-alang dito ng Mayor natin para sa mga tulad naming bikers,” ang sabi naman ni Francis Gonzales, siklista ng Barangay Damayan.

Ayon kay Assistant City Administrator Alberto Quimpo, marami pang naka-linyang mga pagbabagong mangyayari, alinsunod sa programa ni Mayor Belmonte para maprotektahan ang mga ‘cyclists’ sa pag-gamit ng mga bike lanes ng lungsod.

Aniya, sa ngayon ang mga bike lanes ay may mga temporary at semi-permanent traffic seperation devices upang protektahan ang mga siklista na sa kalaunan ay magiging permanente na ang mga barriers na maghihiwalay sa mga nagbibisikleta sa ibang mga sasakyan sa mga kalsada.

Dagdag pa ni Quimpo, sa kautusan ni Mayor Belmonte, kasalukuyang tinutukoy din pa ang ibang maaaring bagong ruta ng mga bike lanes upang mai-ugnay sa mga dati ng ruta. Kasabay nito ang paglalagay ng mga karagdagang ”signages’ at mga ‘bike parking at mga repair area’ para pa rin sa siguridad ng mga nagbibisikleta.



Katuwang din ng lokal na pamahalaan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na siyang naglagay ng hanay ng mga ‘cats eye’ o mga ilaw sa daan kung gabi, upang maging tanda na ang bahaging iyon ng kalsada ay mga itinakdang bike lanes.

Samantala, ang City Council naman ay nagpasa na rin ng Safe Cycling and Active Transport as an Alternative Mode of Tansporatation Ordinance na nakapag-tatag ng ‘Bicycle and Active Transport Section (BATS)’ na isinailalalim sa pamamahala ng lokal na Department of Public Order and Safety (DPOS).

Inaatasan ng ordinansang ito ang DPOS na kumuha ng tatlumpung (30) mga ‘traffic aides’ upang mangasiwa sa mga bike lanes sa lungsod.