Advertisers

Advertisers

Talamak parin pala ang jueteng!

0 251

Advertisers

NITONG Linggo ay nagawa kong bisitahin ang aming bahay sa Lubao, Pampanga, lugar ng misis ko.

Habang nagka-kape ako ay may dumaang naka-motorsiklo. Huminto sa tapat ng gate namin at sumigaw “9-24…, 9-24…”

Tanong ko sa bayaw ko: Ano ‘yun? “Jueteng… resulta sa jueteng.”



Gulat ako. May jueteng parin pala sa Pampanga kahit malakas na ang online sabong at EZ-2 ng PCSO Lotto.

Kay Pineda raw ‘yung pa-jueteng. Pati ang Online Sa-bong Express at pataya sa EZ-2! Grabe!!! Talagang mga sugal ang malakas na business ng Pineda sa Pampanga.

Ang governor at vice governor ng Pampanga ay ang mag-inang Dennis at Lilia Pineda.

Pero hindi lang daw sa Pampanga ang mga sugal na ito ng Pineda, abot hanggang sa karatig na mga lalawigan sa Northern Luzon.

Pero hindi lang pala ang Pineda ang may pa-jueteng at iba pang porma ng mga sugal, PNP Chief Dionardo Carlos. Mayroon din daw sa Isabela, balwarte ng political Dynasty ng Dy. Nahihinto lang daw ang jueteng dito kapag lockdown sa Covid-19, sabi ng netizen na si Jocelyn Cabiles.



Sagot naman ng Manila-based journalist Lily Reyes: “Hindi naman nawala ang jueteng, Sir Joey. Bulag lang ang mga nanghuhuli.”

“Normal po boss. Sa ating mga Filipino lang ang new normal,” sabi ng kolumnista ng tabloid na ito na si Mel Jota

Ayon naman kay netizen Ashet Caunca, “Sa Ilocos nga umaga, tanghali at hapon. Kaya mabilis maubos ang pinapadalang allowance.”

Ang bahagi ng Ilocos na talamak ang jueteng ay erya ng mga Singson. Singson nga raw ang jueteng lord dito. Kaano-ano kaya ni ex-Gov. Chavit ang jueteng lord sa kanyang lalawigan?

“Sa Batangas din tuluy-tuloy ang jueteng,” dugtong ni netizen Rommel Sales.

Sabi naman ni Ronald Bula, sa Mindoro full blast ang jueteng. Tabo raw ang mga politiko pati ang mga hepe ng pulisya. Aray ko!

Pero sa lahat ng sugal, itong e-sabong sa Pampanga raw ang pinakamalupit. Dami raw ang nalulong, nabaon sa utang. Yung mga may malaking utang at ‘di nakakabayad ay bigla raw nawawala. Hindi alam ng pamilya kung buhay pa o nagtago dahil sa mga banta sa buhay nito.

Sabi nga ng isang kandidatong gobernador dito sa Pampanga, kapag pinalad siya laban kay Dennis Pineda ay unang buburahin niya ang mga sugal.

“Ang sugal dapat sa casino ‘yan, hindi sa kung saan-saang kanto nakapuwesto. Peste sa buhay ng Kapampangan ang mga sugal na ‘yan. Ang dami nang krimen na nangyayari dahil sa mga sugal na ‘yan,” sabi ni Engr. Danilo Baylon, ang naglakas-loob para labanan si Gov. Pineda sa darating na halalan.

Si Baylon ay dating mayor ng Candava, Pampanga.

Balikan natin ang talamak na jueteng sa maraming lalawigan. Akala natin ay nabura na ito dahil sa pamamayagpag ng PCSO Lotto, ‘yun pala ay sinasabay ito sa pagpapataya ng mga nagpapataya sa EZ-2 ng PCSO. Ginagamit lang palang front ng mga nagpapataya ang EZ-2 sa pagpapataya ng jueteng.

Paano ba ito, Chief PNP Carlos, General, Sir! Umiiral parin ba ang “No take policy’ ng PNP o press release lang ‘yun? Imbestigahan!