Advertisers

Advertisers

Wanted sa higit P37m marijuana sa Kalinga huli sa Munti

0 293

Advertisers

KALINGA – Natimbog ang isang babae na wanted sa pag-iwan ng higit P37 million halaga ng marijuana nitong nakaraang Abril, sa ikinasang follow up operation sa pinagtataguan nito sa Muntinlupa City.

Nasa kustodiya na ng Tabuk City Police si Shiela Caranto Bongulan, 36 anyos, taga-Camella 2, Muntinlupa, at kabilang sa Regional Top 10 drug personality sa Cordillera, ayon kay Kalinga Provincial Police Director Davy Limmong.

Si Bongulan ay inaresto ng mga tauhan ng Tabuk City Police nitong Nobyembre 25 sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Tabuk City Regional Trial Court Branch 25 Judge Jerson Eckman Angog sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (Republic Act 9165).



Matatandaang tumakas si Bongulan at iniwan ang isang kotse kung saan nakalagay ang 311 kilos ng pinatuyong dahon ng marijuana nang maharang sa isang checkpoint sa Tabuk noong Abril 18.

Kasama rin ni Bongulan sa pagtakas si Victor Sabado Guimba na nahuli narin ng mga awtoridad.