Advertisers

Advertisers

Bong Go: Lumahok sa nat’l vaccination drive

0 500

Advertisers

HINIMOK ni Senate Committee on Health and Demography chairman Senator Christopher “Bong” Go ang lahat ng Filipino na hindi pa bakunado na samantalahin ang libreng COVID-19 shots sa isinasagawang National Vaccination Days para maabot ng pamahalaan ang target na mabakunahan ang karagdagang 9 milyong indibidwal sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ang 3-day event na tinawag na “Bayanihan, Bakunahan” ay idaraos simula November 29 hanggang December 1.

Bahagi ito ng whole-of-nation approach ng gobyerno para makamit ang population protection o pagbabakuna sa 50% ng total population.



Para maging matagumpay ang nasabing event, idineklara ng pamahalaan ang November 29 at December 1 na ‘special working days’ habang ang November 30 ay mananatiling regular holiday bilang paggunita sa kaarawan ni Andres Bonifacio.

Ang lahat ng manggagawa sa gobyerno at pribadong sektor na magpapabakuna sa mga nasabing petsa ay hindi ikokonsiderang absent, kung ipakikita ang proof of vaccination sa kanilang employers, batay sa Proclamation No. 1253.

“Kapag nabakunahan na ang lahat na eligible at naabot na natin ang population protection leading to herd immunity, bababa ang bilang ng mga kaso ng nagkakasakit. Ibig sabihin, unti-unti tayong babalik sa ating normal na pamumuhay,” ani Go.

“Tandaan natin na habang pinoproteksyunan natin ang buhay ng mga Pilipino ay sinisikap din nating lutasin ang mga isyu ng kahirapan at kagutuman na dulot ng pandemya. Kapag protektado ang komunidad gamit ang bakuna, mas makakapagtrabaho ang maraming Pilipino at sisigla muli ang kabuhayan ng lahat,” idinagdag niya.

As of November 27, ang pamahalaan ay nakapagbakuna na sa mahigit 81 million doses. Nasa 45.3 million indibidwal ang nakatanggap na ng 1st dose habang 35.6 million Filipino ang fully vaccinated na. Sa nasabing bilang, tinataya namang 174,536 ay nakatanggap na ng booster shots.



“Sa ating hangaring malampasan ang pandemya, sinisiguro ng gobyernong may tunay na malasakit na walang Pilipinong maiiwan sa ating muling pagbangon. Ito ang dahilan kung bakit napaka-importante na magpabakuna upang maproteksyunan ang buong populasyon,” idiniin ni Go.