Advertisers
MAHIGIT dalawampung libo (20,000) na mga dating rebelde na ang iniwan ang armadong pakikipaglaban ng Communist Party of the Philippines-New People’s Amy-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) mula pa noong 2016 dahil sa maayos na “whole-of-nation approach” ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Sa lingguhang ‘virtual’ na balitaan ng NTF-ELCAC nitong Lunes, inihayag ito ni Defense Undersecretary and Task Force Balik Loob (TFBL) chair Reynaldo Mapagu na ang sabi ay magmula nang maging presidente si Pangulo Rodrigo Roa Duterte naitala ang kabuuang bilang na 20,579 ng mga nagsosuko ng mga rebelde. Kasama na dito ang 5,262 NPA Fighters, 3,414 miyembro ng Militia ng Bayan, ‘7,626 mass supporters at 2,224 underground mass organization members.’
Dagdag pa ni Mapagu, ibinunyag din ng mga nagsisuko ang “51 NPA arms caches nationwide” na nakarekober ng 245 mga armas at 100 improvised explosive devices (IEDs) at anti-personnel mines (APMs).
“Ang pagkakadikubre sa mga armas na ito ay nagpapatunay na humihina na ang bilang ng NPA, na resulta naman ng pagsisikap ng NTF-ELCAC, at patuloy na military at police operations at maging ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP na ‘flagship program’ ng pamahalaan para sa integrasyon ng mga dating CPP-NPA-NDF.” paliwanag ng opisyal ng TFBL.
Iniulat din ni Mapagu na halos kalahating bilyong piso na ang nagastos ng pamahalaan para sa iba’t ibang programa para sa mga sumusukong mga rebelde.
Katunayan, aniya, nitong November 28, kabuuang P485,462,013.90 halaga ng tulong o assistance na ang naibigay sa 6,418 indibidwal na mga sumukong rebelde; 6,164 naman na mga dating rebelde rin ang nakatanggap na ng agarang assistance; 3,744 naman ang nabigyan ng livelihood assistance at 5,198 naman ang tumanggap ng integration assistance. 1,480 pa ay nabigyan naman ng firearms renumeration o bayad sa mga armas nilang isinuko.
Ang mga armas na binayaran ayon kay Mapagu ay sinira na upang di na mapakinabangan pang muli.
Sinabi pa ni Mapagu, 623 na mga dating rebelde din ay kasama na sa Armed Forces of the Philippines (AFP). 66 sa kanila ay mga “enlisted” na sa AFP “regular forces” at ang natitirang 557 ay mga CAFGU o Citizen Armed Force Geographical Unit.
“E-CLIP assisatnce are not rewards but rather investments in the country’s human capital and an opportunity that former rebels should develope for them to have a better forture with their families,” paliwanag pa ni Mapagu.
Ang mga tulong aniya ay mga psychological development, pabahay at livelihood kabilang ang pamilya ng mga dating rebelde na pinatitira sa mga lugar na malayo sa impluwensiya ng CPP-NPA-NDF at makasama pa ang ibang normal na pamilya sa komunidad.
Dito naman pumapasok ang tulong ng Barangay Development Program (BDP) ng NTF-ELCAC.
“It’s our weapon to end the insurgency. At may puwang na para sila ay magbalik as productive citizens,” ang sabi pa ni Magpagu.