Advertisers
Ni WALLY PERALTA
SA isang pambihirang pagkakataon ay nag-bonding ang mag-amang Robin Padilla at Kylie Padilla, na ininterbyu ng huli ang ama at humingi na rin ng payo rito para sa kinakaharap na problema sa asawang si Aljur Abrenica.
Walang gatol namang tinanong muna ni Robin si Kylie kung okay na talaga sila ni Aljur pagkatapos ng halos ilang linggo na ring pananahimik ng magkabilang kampo.
“Okay na kayo? Tinitignan kita sa mata kasi hindi ka makakapagsinungaling sa akin,” tanong ni Robin kay Kylie.
“Okay na kami, yes. Okay na kami, thanks. Okay na po talaga, Pa. I promise. Ayoko nang mag ano, basta. Ang importante, andun kami para sa mga bata,” say naman ni Kylie.
Pero sa kabila ng pag-amin na okey na ang samahan nila ngayon ni Aljur, hindi naitago ni Kylie ang kanyang naramdamang kalungkutan. Inamin ni Kylie na nami-miss niyang makitang masayang naglalaro ang kanyang mag-aama.
“To be honest, Pa yung mahirap lang talaga dun sa nangyari sa ‘min is never ko nang mae-enjoy yung pinapanood ko silang naglalaro. Yun lang. Kasi nung dumating na talaga yung time na di na siya nagwo-work, but bilang nanay. oh my God. Favorite ko kasi yun eh. Favorite ko yun eh, na pinapanood ko yung mga anak ko tsaka yung tatay nila na magkakasama,” dagdag pang say ni Kylie.
***
JASON BALIK-ARAL, TRIP MAGTURO
KUNG hindi man masyadong nagiging visible sa showbiz limeligh si Jason Abalos, maliban sa kanyang ongoing serye ngayon na ‘Las Hermanas’ ay dahil nag-aaral na muli siya. Malamang ay naisip ni Jason na kailangan niya na rin may fallback sakaling dumating ang time na magreretiro na siya sa showbiz.
Pagkatapos daw halos ng 20 years ay muli siyang yumapak sa isang unibersidad para magpa-enroll at kumuha ng Master’s Degree in Public Administration sa Philippine Christian University.
Para kay Jason, learning never stops and age doesn’t matter.
“Puwede kong ituloy ng doctorate para puwedeng magturo. After how many years, kasi naalala ko magtu-20 years na noong last na pasok ko sa university eh,” say ni Jason.
Mukha naman matatagalan pa bago magretiro sa showbiz si Jason, lalo pa nga’t kapipirma niya lang ulit ng panibagong exclusive contract sa GMA-7.
“Ito kasi ‘yung talagang gusto kong gawin, ang tumagal nang tumagal. Kasi nga talagang nasa puso ko ang pag-arte, nasa puso ko ang showbiz industry. Kaya kahit gawin ko ito, siguradong mag-e-enjoy lang ako,” dagdag pang say Jason