Advertisers

Advertisers

Mga reelectionist umeepal sa mga programa ng DSWD

0 561

Advertisers

DAPAT pagbawalan ng pamunuan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kanilang field officers na mag-imbita ng mga politiko partikular reelectionist kapag namahagi ng social pensions at cash assistance sa livelihood programs ng pambansang pamahalaan.

Oo! Dahil ito’y nagagamit na sa pangangampanya ng mga reelectionist. Napaka-unfair ito para sa ibang kandidato.

Tulad sa Romblon, ang pamamahagi ng DSWD ng Livelihood Assistant Grant (LAG) ay talagang napo-politika na. Pinagsasalita ang mga reelectionist tulad ng Mayor, Governor at Congressman, kasama ang kanilang mga ka-tiket. Ito’y malinaw na pangangampanya na, gamit ang programa ng national gov’t.



Samantalang noong magka-lockdown ng sunud-sunod, kungsaan gutom ang mga tao dahil hindi makapaghanapbuhay, ay hindi manlang nakita ang anino ng mga politikong ito! Animal!!!

Tapos ngayong malapit na ang halalan ay doon palang nagpakita sa publiko, sumasakay pa sa pamamahagi ng social pensions at cash assistance sa livelihood program ng DSWD.

Pero ang dapat na hambalusin dito ay ang field officers ng DSWD na nag-imbita sa mga naturang politiko. Hindi naman siguro basta susulpot ang mga politiko sa event kung hindi inimbitahan, maliban nalang kung sobrang kapal muks nung mga politiko. Tama ba ako, Sec. Rolando Bautista, Sir?

Ang malupet kasi rito, kapag pinagsalita ang politiko ay tila pinaparamdam niya sa beneficiaries na sa kanya ga-ling ang perang ipinamamahagi. Na kaya sila nabiyayaan ay dahil sa kanyang effort. Gayong ito’y programa ng nat’l govt. na dumaan sa Kongreso, pinaglaanan ng pondo mula sa taxpayers money. Hindi ito pera ng inyong mayor, gobernador at kongresista. Kaya bawal ang epalitiko rito, mga repapips!

***



Isang motorista ang nag-text sa akin tungkol sa mga mahiwagang traffic lights sa Parañaque City:
“Good morning sir. ako po si Ping, motorista, avid reader ako sa Police Files mo. sumbong ko lang itong unfair na camera setup ng Parañaque kung bakit mga walang counter traffic light may camera. kaya marami nadadale na motorista kasi bigla nalang mag-yellow or red. kaya kung nasa gitna ka pa ng crossing counted na beating the red light na. penalty 3,000 pesos. tapos mga may counter traffic light walang camera. halatang modus operandi nila ito para magkamal sila pera. tapos ‘yung outerline only for left turn, pwede naman dumiritso lang, maliban sa mga kakaliwa from south bound. bakit violation daw at super mahal penalty nila kumpara sa LTO at ibang lungsod ng NCR?”

May punto ang motoristang ito. Actually, ganyan din dito sa Maynila. Kaya andaming motorista ang nag-iiyakan sa napakalaking penalty. Ginawa na nga nilang palabigasan ang mga motorista. Yawa!

Ang mga ganitong hakbang ng LGUs ay dapat talaka-yin ng Kongreso. Kawawa rito ang mga motorista!

***

May nag-text sa atin. Talamak rin daw ang jueteng sa Guiguinto, Bulacan. 3 times ang draw mula umaga – gabi. Tiyak pasok kay Hepe, kay Mayor at Gov. ito. Mismo!!!