Advertisers
TIMBOG ang apat na drug suspects sa ikinasang buy-bust operation ng Manila Police District Station 7 sa Tondo, Maynila nitong Linggo.
Target ng operasyon ang number 1 most wanted person ng naturang istasyon na si alyas Dante.
Nangyari ang transaksyon sa isang gasolinahan sa Juan Luna Street kungsaan nagbenta ang suspek at mga kasamahan niya ng P40,000 halaga ng shabu.
Nang kapkapan, nakuha sa kanila ang walong plastic ng shabu. Abot sa P5.4 milyon ang kabuuang halaga nito.
Ayon sa mga pulis, parte ng sindikato ng droga sa Tondo ang apat na suspek. Pare-pareho rin silang newly-watchlisted drug personalities.(Jocelyn Domenden)