Advertisers
MARIING binatikos ni ANAKALUSUGAN partylist Representative at QC mayoralty bet Mike Defensor ang ginawang pagharang ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa nakatakdang caravan ng UNITEAM nina former Senator Bongbong Marcos at Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio sa nasabing lungsod at ang paggamit ng pamosong Quezon Memorial Circle para ma-accommodate ang inaasahang pagdagsa ng mga supporters nina Marcos at Duterte-Carpio.
Ayon kay Defensor, hindi maganda ang ginagawang ito ni Belmonte na nauna na nitong ginawa (Belmonte) noong 2019 elections kay Marcos nang di nito binigyan ng permiso ang noo’y tumatakbong vice president na si BBM para magdaos ng motorcade at campaign rally sa nasabing siyudad.
Noon ay tumatayong campaign manager ng Liberal Party (LP) at ni Vice Presidential candidate Leni Robredo si Mayor Joy Belmonte.
Nakatakda sanang magdaos ng caravan ang UNITEAM nina BBM at Inday Sara sa December 8, 2021 isang pista opisyal na petsa.
Una nang nabatid ni Defensor na walang naka-schedule na programa o aktibidad na gaganapin sa Quezon Memorial Circle ng petsang iyon ngunit ng sumulat na sila sa administrator ng QMC para humingi ng permiso, sinabi na hindi umano puwede dahil gagamitin ito ng Quezon City Hall sa December 8.
Hinala ni Defensor, sadyang hinarang ni Mayora Joy na magamit ng grupo nina BBM at Inday Sara ang Quezon Memorial Circle dahil pinuproteksyonan nito ang kandidato ng oposisyon na si Leni Robredo.
“Ginawa na ito ni Mayor Joy Belmonte laban kay Bongbong Marcos noong 2019 elections kung saan hindi binigyang ng permit ng local government ng Quezon City na makapag-motorcade at makapagdaos ng political rally si Marcos sa nasabing lungsod.
Hindi fair ito kina BBM at Inday Sara dahil hindi pag-aari nino man ang QMC at lalong-lalo nang hindi ito pag-aari ni Mayor Joy Belmonte ng Pinklawan ni Leni Robredo”, pagdidiin pa ni Defensor.
Ayon pa kay Defensor, Quezon Memorial Circle (QMC) talaga ang ginusto nilang magamit ng lugar dahil malaki ito at maluwag na kayang i-accommodate ang inaasahang pagdagsaan ng combined forces ng mga Marcos loyalists at Sara Duterte diehard supporters.
Sa QMC lang puwedeng magkasya ang volume na inaasahang sasama sa nasabing caravan na hindi makakaapekto ng malaki sa daloy ng trapiko at congestion sa mobilisasyon ng mga tao sa nasabing lugar.
Sa personal naman nating pananaw, tila takot si Mayora Belmonte sa posibleng maging impact ng pagbaba nina BBM at Sara sa kanyang lungsod dahil iniendorso nito ang mahigpit na kalaban ni Mayora Joy na si Congressman Mike Defensor nga.
Si Defensor kasi ang official candidate for Mayor sa Quezon City ng BBM-Inday Sara tandem.
Noong 2016, sa kabila nang di pinayagang makapag-motorcade ang kampo ni Marcos at makapagsagawa ng political rally sa Quezon City, nanalo pa rin ng may malaking kalamangan si Marcos laban kay Leni Robredo kung saan naging tila sampal ito kay Joy Belmonte na nagsilbing campaign manager pa ni Robredo at ng Liberal Party.
Mukhang ramdam ni Mayora Joy na di siya nakakasiguro ngayong 2022 elections na mananalo laban dito kay Cong. Mike na iniendorso nga ng powerful at invincible tandem na BBM-Sara.
Plus the fact na nag-join forces na rin ang mga kalaban sa pulitika ni Mayora Joy Belmonte na sina former Congressman Bingbong Crisologo na isang Ilocano rin, Defensor at ang mag-asawang Congw. at former Congressman Precious Hipolito-Castelo at Winnie Castelo na tumatakbo namang vice mayor at ka-tandem ni Defensor.
Nasa partido rin nina Defensor at Castelo bilang mga konsehales ang ilang mabibigat na pulitiko ng siyudad sa pangunguna nina Konsehal Roderick Paulate, at ang anak ni former Congressman Dante Liban na si Shaira Liban at former Congresswoman Naneth Castelo-Daza.
Former Cong. Dante Liban himself is running for council seat in the second district sa ilalilm din ng Defensor-Winnie Castelo ticket.
Naalala pa natin kung paanong nagging lubhang mainit ang labanan noon nina former 1st District Congressman Bingbong Crisologo at Mayora Joy Belmonte makaraang arestuhin ng mga kagawad ng Quezon City Police si Bingbong at ang anak nito dahil sa alegasyon ng “vote-buying”.
Marami ang interesado ngayon na tutukan ng husto ang kahihinatnan ng labanan sa pagka-alkalde ng Quezon City kung saan mabigat at seryoso ang challenge na ibinibigay ni Cong. Mike Defensor sa reelectionist mayor na si Joy Belmonte.
Labanan ito ng mga PINKLAWAN at ng mga BBM-Sara supporters.
Isa ang Quezon City sa may pinakamalaking bilang ng mga botante sa buong Metro Manila (NCR).
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
Ugaliin rin makinig at sumubaybay sa REALIDAD Online. Monday to Friday 4pm to 5pm over Elizalde Broadcasting