Advertisers

Advertisers

TAGUMPAY ANG IP GAMES PROGRAM NG PSC SA BENGUET

0 369

Advertisers

TAGUMPAY ang idinaos na recording ng Indigenous People’s Games ng Philippine Sports Commission (PSC) para panatilihing buhay at pagyamanin ang mga tradisyunal na laro ng mga katutubong Pinoy sa Tublay, Benguet.

Sa pangangasiwa ni PSC Commissioner at IP Games In-Charge Charles Maxey, at pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Benguet, sa liderato ni Gov. Melchor Diclas at ng National Commission on Indigenous Peoples, naisakatuparan ang programa kamakailan batay sa mga ipinapatupad na panuntunan sa ‘safety and health’ protocol ng Inter-Agency Task Force (IATF).

“We’re proud and definitely overwhelmed with the reception of our IP kababayans. Kahit sa panahon ng pandemya, hindi kailangang mapabayaan ang paglinang sa ating Kultura at maipakita sa mundo ang anyo ng pamumuhay at matandang tradisyon ng mga Pilipino,” pahayag ni Maxey.



Sa pagsisimula ng dalawang araw na programa, nakiisa si Maxey sa isinagawang ritual/cultural dance para masiguro ang tagumpay at maayos na pagsasagawa ng mga aktibiodad sa Communal Forest.

Nagsagawa naman ng kanilang tradisyunal na sayaw na ‘Tinaktakyag’ ang mga miyembro ng Kankana-ey Indigenous Cultural Community (ICC), gayundin ang ‘Ginalding’ ng Inaloi ICC bago ang isinagwang mga laro tulad ng ‘Ginuyudan’.

Maitutulad ang ‘Ginuyundan’ sa larong ‘tug-of-war’ kung saan magkakapit sa katawan ang mga manlalaro mula sa magkabilang grupo para maghilaan at panalo ang grupo na makakuha sa kanilanbg karibal.

“Napakayaman ng ating kultura. For the past years na ginagawa namin ang IP Games, masasabi ko na kailangan nating maipagmalaki ang mga laro ng ating mga ninuno. Through this program, hindi mawawala ang mga tradisyon na ito,” sambit ni Maxey.

Maipalalabas ang recording ng IP Games sa Benguet at sa naunang ginawa sa Saranggani. (DANNY SIMON)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">