Advertisers

Advertisers

Anak ni Jinggoy na si Jill papasukin na rin ang showbiz?

0 218

Advertisers

Ni ALLAN SANCON

ISA sa mga paboritong awitin ng mga taong nawawalan na ng pag-asa sa buhay ang “May Bukas Pa” na pinasikat ng yumaong si Rico J Puno.

Matatandaang naging titulo pa ito ng isang teleserye sa ABS-CBN na pumatok din sa mga manunuod. Talaga namang napakaganda ng awiting ito.



Dahil sa titulo palang ay paniguradong manunumbalik na ang ating pag-asa sa kabila ng ating mga problema sa buhay.

Napakinggan at napanuod ko sa YouTube ang campaign song ni Jinggoy Estrada para sa pagtakbo nya muli bilang Senador. Ginamit ni Jinggoy ang awiting ito at talaga namang nakaka-touch ang pagkakagawa ng kanyang campaign video.

Pinakita sa video ang problema hindi lamang ng mga kabataan kundi maging ang problema ng buong pamilya sa bansa. Sakto ang awiting “May Bukas Pa” sa campaign video, dahil tama lang naman na kailangan natin ng isang mamumuno sa bayan na magbibigay ng pag-asa sa bawat Pamilyang Pilipino.

Maganda rin ang pagkakaawit ng “May Bukas Pa” song sa video. Para itong boses ng isang anghel na nananalangin at nakikiusap sa Diyos na sana ay bigyan ng pag-asa ang mga nawawalan ng pag-asa sa buhay.

Napag-alaman ko na boses pala ito ng bunsong anak ni Jnggoy na si Julienne “Jill” Ejercito, 15 years old at Grade 10 Junior High School student.



Nagkaroon ako ng pagkakataon na matanong si Jill tungkol sa ginawa niyang recording ng kantang “May Bukas Pa” para sa campaign video ng kanyang ama.

“Noong sinabi ng Mom ko na ako ang kakanta ng song na “May Bukas Pa” para sa campaign video ni Dad ay natuwa po ako at the same time ay excited. I asked help from my brother, Kuya Julian to assist and help me on my recording since he does recording already.”

Six years old palang pala si Jill ay mahilig na itong kumanta at gusto niya raw I-push though ang kanyang singing career someday. Ito nga raw ay isang magandang pagkakataon sa kanya para maipakita ang kanyang talento sa pagkanta. Kung bibigyan nga raw siya ng pagkakataon ay nais niyang maka-collaborate ang kanyang paboritong singer na sina Moira dela Torre at Zack Tabudlo someday.

Hindi pa raw siya sure kung gusto n’ya rin pasukin ang showbiz tulad ng kanyang kuya Julian pero ang paborito niya raw mga artista ay sina Jodi Sta Maria at Bea Alonzo.

Idinescribe ni Jill ang kanyang ama bilang isang makulit pero mapagmahal na tatay.