Advertisers

Advertisers

Budol Queen, kinasuhan!

0 979

Advertisers

SANGKATERBANG kaso ang naisampa na laban kina Risa Comia-Marasigan, ng St. Martin Street, Tierra Verde Subdivision, Batangas City, ang kinikilalang reyna ng mga manggagantso na nambibiktima ng mga negosyante at prominenteng pamilya sa Batangas at Metro-Manila.

Gamit na balatkayo nina Risa Comia-Marasigan ang kunyari ay pagpapatakbo ng malaking negosyo upang mahikayat ang kanilang biktima na maglagay ng malaking money investment sa kanilang kathang isip na pinagkakakitaang St. Athanasius laboratory and Drug Testing Center, sa Poblacion, Bauan, Batangas.

Ayon sa mga biktima, ipinangangako ng mga kampon ng mga satanas na ito na ang money investment ng mga biktima ay kikita ng 10 percent na monthly dividend sa sandaling sumosyo sila sa negosyo nina Marasigan.



Kaya naman, inaasahang gabundok pang mga kaso ang bubunuin ng gang na pinamumunuan ni Marasigan, resulta ng pagbunbunyag ng SIKRETA sa kanilang modus operandi.

Kasama ni Marasigan na nasampahan na ng mga kasong Syndicated Estafa in relation to Violation of Article 315, ng Revised Penal Code (RPC) at Violation ng Batas Pambansa Blg. 12, sa tanggapan ng prosecutors sa Metro-Manila si Atanacio Velasquez-Marasigan,ang asawa ni Risa na isang seaman ngunit suma-sideline sa pambubudol kasama ang ginang nito at kanilang iba pang kasabwat.

Ang mga ito ay kinilala namang sina Ramil Panganiban, Myrna Panganiban, Randy Totentino at Mila Tolentino, pawang residente din ng Tierra Verde Subdivision, Brgy. Pallocan West, Batangas City.

Walang kaukulang piyansa para kanilang pansamantalang paglaya habang dinidinig sa hukuman ang kaso sa sandaling kinatigan ng tanggapan ng taga-usig ang mga inihaing reklamo ng mga biktima.

Pansamantalang di muna natin ibinunyag ang pangalan ng naunang complainant na naghain na ng asunto laban sa grupo ni Marasigan sa tanggapan ng prosecutors sa Metro-Manila.



Kabilang ito sa may 20 kataong pinakahuling nabiktima nina Risa C. Marasigan at ng Batangas based “budol gang”.

Liban sa mga ito,naging biktima na din ni Risa C. Marasigan ang may tinatayang 100 katao simula nang mag-umpisa ito sa kanyang karera ng pangbubudol gamit na front ang panghihikayat sa mga target na isososyo nga ang mga ito sa kanilang malaking negosyo.

Pinaka-noturyos sa grupo ng budol gang si Risa Comia-Marasigan. Ito ang dahilan kung kayat tinatagurian itong Queen ng mga estapador at estapadora. Sa katunayan ay nasentensyahan na ito noong 2017 sa may 14 na kaso ng estafa sa Municipal trial courts in cities sa Batangas City.

Maliban sa hatol na pagkabilanggo at pagmumulta ay may mga naihain na ding iba pang mga asunto laban sa kanya sa Batangas City Prosecutors Office.

Ang hindi natin alam ay kung bakit isa na ngang convict ay nakalalaya at nagawa pa nitong makapambiktima ng mga inosenteng mamayan.

Nagmamalaki pa raw si Marasigan na may protektor itong isang heneral at isang piskal at empleyado ng Batangas City Hall of Justice.

Personalmente ay hindi natin sasagpangin ang mga kayabangang ito ni Marasigan at sa katunayan ay pinayuhan pa nga natin ang maraming nabiktima nito na sa Batangas City Prosecutors pa mismo magsampa ng kanilang reklamo.

Alam ng inyong lingkod ang kalinisan, integridad at katapatan ng mga piskal at iba pang empleyado sa hudikatura lalo na sa Batangas city.

May mga ulat pa nga pala sa SIKRETA na ang isang anak ni Risa ay sangkot din sa mga kawalanghiyaan ng budol gang, kaya abangan natin ang mga kaganapang nito?

Nakumpirma naman ng inyong lingkod sa tanggapan ng Punong barangay ng Pallocan West, na tanging ang pamilya lamang ng mag-asawang Riza Comia Marasigan at Atanacio Velasquez Marasigan ang mga lehetimong residente ng Tierra Verde Subdivision, Brgy. Pallocan West, Batangas City at ang apat pang suspek ay hinihinalang gumamit lamang ng bogus na pangalan at address.

Batay sa tala, ay kadawit ni Risa ang kanyang asawang si Atanacio na nagtatrabaho bilang isang gas engineer sa isang international LPG carrier at konektado sa Solvang Philippines Inc., na may address sa 4th Flooor 1751 Bldg. Dian Street, Brgy. Palanan, Makati City.

Nakasampa si Atanacio sa international LPG carrier na pinamamahalaan ng nasabing shipping agency ngunit di alam ng management nito na sangkot si Anastacio sa kabulastugan ng “budol gang sa tuwing bumababa ito sa barko.

Dating konektado si Atanacio sa Utraship na nagpapatakbo din ng international LPG carrier ngunit nasibak noong 2020 sanhi ng pagkadawit nito sa modus operandi ng kanyang ginang.

Isa sa mga naging biktima ng grupo ng mag-asawang Marasigan noong 2019 hanggang 2020 ay ang retiradong master mariner at ang buong pamilya nito na pansamantalang hindi natin muna pinangalanan.

Nalimas ng mag-asawang Marasigan at ng grupo nito mula sa bitkima ang halagang One million two hundred and thirty thousand pesos (Php 1,230,000 ) .

Nalinlang naman ang maybahay nito ng halagang Two milllion seven hundred and thirty five thousand pesos ( Php 2, 735,000), kaya suma total ay nakatangay ang “budol gang” ng halagang halos ay aabot sa Four million pesos (P4 million) sa mag-asawa.

Bukod sa kanilang mag-asawa ay nalinlang din nina Marasigan ang tatlong mga anak ng biktima ng salaping milyones din ang halaga.

Ang masaklap ang biktima na dating ship captain ang siya pa palang nagrekomenda kay Anastacio para makasakay nang magsisimula pa lang itong magtrabaho sa barko bilang ordinary seaman sa unang international vessel na pinaglingkuran nito.

Kaya naman kuntodo ang hinagpis at pagsisisi ng mag-asawa at ng mga anak nito dahil sa mistulang nag-alaga sila ng ahas na tumuklaw pa sa kanilang kamay.

Kaya babala nila ay huwag na huwag na magtitiwala kina Risa Comia-Marasigan at Anastacio Velasquez Marasigan.

Napapaniwala ng mag-asawang tulisan at ng mga kasabwat nito na magiging business partners nila ang mga ito at kikita ng 10 percent monthly dividend ang kanilang money investment. Abangan ang karugtong…

***

Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144; email: sianing52@gmail.com.