Advertisers

Advertisers

Misis pinasabog ang ulo sa Tondo

0 306

Advertisers

ISANG ginang ang binaril sa ulo habang naglalakad Lunes ng gabi sa Hermosa St., Tondo, Maynila.

Naitakbo pa sa Chinese General Hospital ang biktimang si Abigail Ampil, may live in partner at nakatira sa 2833 Benita St., Tondo.

Sugatan naman nang tamaan ng ligaw na bala Frankie Sena, 28, may-asawa at nakatira din sa nasabing lugar na kasabay naglalakad ng biktima.



Ayon kay Police Lt. Adonis Aguila, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, naganap ang pamamaril sa harap ng Sunog Apog Pumping Station sa Barangay 183 sa Hermosa St .

Sinasabing nag-iisa lamang ang bumaril sa ginang.

Inaalam narin ng pulisya ang mga CCTV sa mga lugar na maaring dinaanan ng gunman sa kanyang pagtakas para sa agaran nitong pag-aresto.(Jocelyn Domenden)