Jessy binawalan ni Luis sa kissing scenes sa proyekto; Derek happy na sa 2 ex-labs na sina Angelica at Andrea
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
ISA pala sa ipinagbabawal ni Luis Manzano sa kanyang misis na si Jessy Mendiola if ever na magbalik ito sa work ay ang pakikipaghalikan o kissing scene.
Ayon kay Jessy, nung 2019 pa sa Sandugo ay never na itong gumawa ng eksena na may halikan.
Na-paranoid nga raw ang aktres at true naman na kahit wala pa ang Covid ay ipinagbabawal na ng mister ang pakikipaghalikan.
Paglilinaw pa ni Jessy, sa mga intimate scene ay okey naman daw kay Luis pero huwag nga lang halikan.
Kahit naman ang mister ay kinikilig noon sa mga scene nina Jessy at Jericho Rosales sa pelikula. Inihayag pa ng mister na kinikilig ito at never naman daw nagselos si Luis sa mga nakatrabaho nitong aktor.
Halos lahat naman daw ng maging leading mam ni Jessy ay kaibigan ni Luis.
Okey lang nga raw kahit anung scene kabilin-bilinan lang ni Luis na huwag lang makipag-kissing scene si Jessy.
At least nga raw may isa lang di puwedeng gawin si Jessy if ever na bumalik na ito sa work after nitong magbuntis.
***
HAPPY si Derek Ramsay sa nakikitang kasiyahan sa ex-gf na si Angelica Panganiban.
Dama raw nito at kita niya sa mga mata ng ex ang saya sa kanyang aura sa bago nitong love na si Greg Homan.
Finally found someone na nga raw ang ex ni Derek.
Umaasa si Derek na ito na ang lalakeng makakasama ni Angelica forever.
Basta ang hunk actor ay masayang-masaya na nakikita ang kanyang ex na happy na.
Kay Andrea Torres, ‘di man nag-grow at work out ang relasyon ay naghiwalay naman daw sila ng may respeto.
Masaya rin si Derek sa nangyayaring magandang career sa ex na si Andrea.
Sana nga raw ay magtuluy-tuloy na ang pagratsada ng career ni Andrea at makatagpo na rin ito ng right guy na mamahalin siya at mamahalin niya na pang-forever.
Natuwa naman ang netizens sa magagandamg komento ni Derek sa dalawa nitong ex.
Well, well, well…’Yun na!