Advertisers
KUMPIYANSA sina Carl Jammes “Wonderboy” Martin at three-time Southeast Asian Games gold medalist Charly Suarez na mapanateli nila ang kanilang malinis na rekord kapag nakaharap ang kanya-kanyang kalaban sa Dec. 4, sa Elorde Sports Complex.
Sasabak si Martin sa Philippine super bantamweight belt laban sa defending champion Mark Anthony Geraldo sa main event habang si Suarez ay nakatakda sa super featherweight bout laban sa kapwa undefeated boxer Delmar Pellio sa undercard.
Ipinanganak sa Ifugao, ang 22 -year-old Martin — ay perpek sa 17 bouts na may 15 KO ay ginawang mandatory challenger ng Games and Amusement Board upang labanan ang much— experienced Geraldo may career rekord na 38 wins, nine defeats at three draws.
“Ready na ready na po actually cut weight na po ginagawa ko ngayon maganda na po yung condition para sa laban. Mahaba yung paghahanda ng paglalaan kasi halos ilang buwan din po namin pinaghandaan po iyan,” Wika ni Martin ng dumalo sa Philippine Sportswriter Association online forum Martes.
Si Suarez ay (8-0-0) samantala si Pellio ay (9-0-0).