Advertisers

Advertisers

50TH ANNIVERSARY NG RVES, HINANDUGAN NG ‘RVES HYM’

0 235

Advertisers

ANG pagtungtong sa ika-50 anibersaryo o ‘golden years’ ng Rivera Village Elementary School ( RVES) ang lalong nagpatatag sa dekalidad nang pagtuturo nito kayat bilang regalo ay lumikha ng isang awitin upang maging isang inspirasyon ng mga mag-aaral patungo sa kanilang magandang kinabukasan.

Ang RVES ay itinatag taong 1970 kung tawagin ay ‘Marcos Pre-Fab’ na itinayo noong panahon ni dating Pasay City Mayor Jovito Claudio.

Ang nasabing paaralan ay nagsimula lamang sa grade 1 hanggang grade 3 subalit lumipas ang mahabang panahon ay nadagdagan pa ito at umabot ng ikaanim na baitang.



Ilang dekada na ring namayagpag at nakatanggap ang RVES ng ibat-ibang parangal sa NCR at DepEd-Pasay mula sa ‘schools competition’ .

Bukod rito, dahil sa pagkakaisa ng mga teachers, parents, GPTA, stakeholders, ilang staff ng RVES at iba pa ay nagawa nilang kumpletuhin at panindigan ang ibat-ibang school projects katulad ng Mini-Herbarium,School Grotto, PWD Pavement,Go-Green at classroom beautification contest.

Ang mga tinamong karangalan at progress projects ng nasabing paaralan ay nasa ilalim ng pamumuno ni Principal Anicia Monton.

Upang lalong maging kumpleto ang pagdiriwang ng ika-50 anniversary ng RVES , lumikha si G. Joffrey ‘ master henyo’ Quinsayas ng “ Himno ng Rivera Village Elementary School “ ( Alma Mater song ) bilang handog sa kanilang paaralan.

Magugunita na ang RVES ang kauna-unahang public school sa National Capital Region (NCR) na naglagay ng RVES School pantry upang tumulong sa mga magulang ng mag-aaral na nawalan ng trabaho habang nasa panahon ng pandemya. (JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">