Advertisers

Advertisers

ARWIND, NAPAIYAK SA SMC TRADE

0 204

Advertisers

NO OFFENSE MEANT, may mga silip sa nangyaring trade kina ARWIND SANTOS at ALEX CABAGNOT, dalawa sa batch ng starplayers nanakapagpa-champion sa SMB ilang beses. Hinaing ng fans, bakit hindi nabigyan man lang ng time na sa BEERMEN na rin makapagretiro, ilangyears to come na lang at dun nila wish magretire. Sa true lang, bulong ng ilang insiders, napaiyak din sila nung napaiyak si ARWIND nang kunin ang last salary sa mahal niyang SAN MIGUEL kung saan siya naging Most Valuable Player (2013), champion member, Mythical member, Best Player of the Conference, Team Captain at nakilalang ‘Spiderman.” Ang sakit daw huh!

Tanong ng marami, bakit si VIC MANUEL na veteran din naman ang ipinalit kay ARWIND, sana raw yung bata talaga kung long range plan. Bakit si MARC CAGUIOA na buddy ni HELTERBRAND, nasa GINS pa rin, ahead po siya kay ARWIND. Tulad ni HELTERBRAND, sa SMC-GINS na malamang magretire si CAGUIOA. Paki-explain daw po, boss AL FRANCIS CHUA at Coach LEO AUSTRIA. Ouuuch!

PINGRIS, BALIK-HARDCOURT



GOOD news para sa fans ni JEAN MARC PINGRIS na balik-hardcourt ang ‘SAKURAGI’ ng Pinoy Basketbol. Nagretiro si PINGRIS sa PUREFOODS MAGNOLIA HOTSHOTS nitong matapos ang Season 46 PBA Philippine Cup.

Hindi nakagugulat ang pagbabalik ni ‘Sakuragi’ sapaglalaro dahil bata pa naman ito at nasa kalakasan. Yun lang, praktis na sa SAN MIGUEL CORPORATION (SMC) na unti-unting alisin o palitan ng young blood ang players ng bawat koponan. Kahit sinasabing’ Life begins at 40’, ito naman ang period ng tila cut-off sa SMC players.

Mabuti nga at nakapagretire agad si PINGRIS.

Tatlong bigatin ang teams ng SMC; SMB o Beermen,Barangay GINEBRA Kings at PUREFOODS (Magnolia Hotshots). For athrowback, ganun din naman ang nangyari sa iba pang stars o pambatong players. Ilan sa markadong nai-trade sina 2x MVP JAMES YAP, DONDON HONTIVEROS, 2x MVP DANNY ILDEFONSO, RONALD TUBID, SOL MERCADO. DORIAN PENA, NICK BELASCO, DANNY SEIGLE at ANDY SEIGLE among others.

Ilan naman sa nakapagretiro sa team sina JAYJAY HELTERBRAND at ERIC MENK ng GINEBRA. Maraming naniniwala na mas maganda rin yung nagretiro at bumalik sa aksyon sa ibang liga o kung umakyat sa coaching level.



Plano sana ni PINGRIS na mapabilang sa coaching staff ngMAGNOLIA after retirement, pero hindi pa nagkaroon ng slot ngayongSeason 46. Meanwhile, inaabangan din kung tuloy ang opening ng PBAGOVERNOR’s CUP sa darating na December 8 matapos ang ilang beses naschedule na mahirap gawin dahil sa irregular situation sa pandemic.

Dumating kay PINGRIS ang offer na coaching position sa MAHARLIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE (MPBL). Mukhang magiging playing coach siya sa NUEVA ECIJA RICE VANGUARDS para sa MPBL. Balitang makakasama niya rito si PJ SIMON na retired din at buddy niya dati sa PUREOODS.

Masaya si PINGRIS na makapag-coach at makapaglaro para masmaibahagi ang skill at style niya sa younger players. Kung matutuloy,baka magbukas ang MPBL sa darating na December 11 sa MALL OF ASIA (MOA). HAPPY READING!