Advertisers

Advertisers

Food Panda rider shabu ang idi-deliver, huli

0 212

Advertisers

ARESTADO ang isang rider ng Food Panda delivery nang mahulihan ng shabu na ide-deliber sa Sta. Cruz, Maynila nitong Miyerkoles.

Kinilala ang nadakip na si Eduardo De Los Santos, isa rin embalsamador, 48 anyos.

Ayon kay Police Lt. Colonel John Guiagui, aabot sa dalawang gramo ng shabu na may street value na P13,000 na idi-deliber sana ni Santos sa isa nitong kliyente na naghihintay sa may Oroqueta St., kanto ng Yuseco St., nang masita ng mga nagpapatrulyang pulis, 12:00 ng madaling araw.



Ayon kay Guiagui, dati nang sumuko si Delos Santos noong kasagsagan ng kampanya laban sa iligal na droga pero bumalik sa paggamit at pagbebenta ng iligal na droga nang matigil ang “Tokhang”. (Jocelyn Domenden)