Advertisers
PANAHON ng pandemya o anumang kalamidad ay agad na makikita ang sambayanan na halos hindi magkanda-aligaga sa pagresponde sa lahat ng mga nangangailangan.., tulad ngayong COVID-19 PANDEMIC at sa sinasabing panibagong virus na OMICRON ay isinusulong na ang MANDATORY VACCINE bilang pagtiyak sa proteksiyon ng sambayanan.
Gayunman.., dapat nga bang maalarma ang sambayanan sa sinasabing COVID-19 PANDEMIC?
Sa datos ng DEPARTMENT OF HEALTH (DOH) kamakalawa ng hapon, November 30 patungkol sa COVID sa ating bansa ay nakapagtala ng 15,800 o 0.6% na aktibong kaso o kasalukuyang maysakit; ang gumaling naman sa sakit na COVID ay 2,768,389 o 97.7% at ang namatay naman dahil sa naturang sakit ay 48,545 o 1.71%.
Mga ka-ARYA.., analisahin natin ang mga datos na nagmula sa DOH at ikumpara natin sa population ng ating bansa na mahigit 111 milyon.., na ang bilang ng mga namatay na 48,545 ay bilang ng mga namatay mula noong mag-umpisa ang pandemya.
Sa kumparasyon ng bilang ng mga namatay at sa papulasyon natin na mahigit 111 milyon.., nakakaalarma nga ba at maikokonsiderang pandemya o peligro ang COVID-19 gayong 1.71% lamang ang naapektuhan sa halos 2-taon sa sinasabing pandemya?
Sa nakaraan kong kolum, ang datos ng mga namatay nitong taong 2020 sa ating bansa ay may kabuuang 613,035 tala ng mga namatay.., na ang TOP 3 sa mga naging sanhi ng mga pagkamatay ay 1) HEART DISEASE – 20.46%; 2) CANCER – 10.8%; 3) STROKE, ANEURYSM at iba pang kauri – 10.5%…, na ang COVID-19 ay nasa ika-12 listahan sa kadahilanan ng mga pagkamatay na may kabuuang 9,300 registered deaths o katumbas ng 1.52% lamang.
HEART DISEASE ang may pinakamataas na bilang ng mga namatay nitong taong 2020.., subalit, hindi naman nangarag ang ating mga DOH OFFICIAL o nagdeklarang pandemic kumpara sa COVID-19 na ang death rate ay wala pang 2% e nangarag na ang GOVERNMENT OFFICIALS natin na maging ang halos buong mundo ay nagdeklara na PANDEMIC ang COVID kasunod niyon ay ang pag-uunahan ng mga VACCINE MANUFACTURER na makopo ang merkado ng kanilang produkto.., na tinatakot pa ang mamamayan na ang hindi magpapabakuna ay peligrong makapitan ng virus.
Hayun, marami ang nagpabakuna sa pag-asang protektado na sa virus.., subalit nagdeklara ang DOH na huwag magpakampante ang mga nabakunahan dahil mahahawa pa rin ng virus ang mga nabakunahan . , na kailangan sumailalim sa 3rd shot ang mga nabakunahan at magpa-BOOSTER SHOT pa. Ngayong may sinasabing OMICRON VARIANT ay inihahanda na ng mga manufacturer ang bakunang pangontra sa OMICRON.
Dahil diyan.., ninanais ng mga HEALTH OFFICIAL na magpatupad ng MANDATORY VACCINES at maging si PRESIDENT RODRIGO DUTERTE ay pabor para sa MANDATORY VACCINES.
Halos magda-2 taon na ang COVID-19 PANDEMIC na ang kabuuang nasawi hanggang kamakalawa ay wala pang 2%.., pero igigiit na ang MANDATORY VACCINATIONS? Teka.., ano ang tunay na motibo para ipilit ang pagpapabakuna?
Ang mga COVID VACCINE MANUFACTURER ay negosyo ang pangunahing layuinin ng mga ito at hindi nila ipamamahagi ng libre ang.mga bakuna..,, ngayon, sino sa ating mga GOVERNMENT OFFICIAL ang nagsilbing AHENTE ng mga bakuna?
Mahirap.mag-akusa.., pero sa larangan ng SALES o KOMERSIYO ay laging may mga umaaktong SALES REPRESENTATIVE.., na ang mga ito ang nagsusulsol o nagse-SALES TALK para mabenta ang produkto.., kaya, sa sitwasyon ngayon ay ginagawa ang mga pamamaraan upang lahat ay magpabakuna at sa gayon ay makaka-order pa uli ng maraming bulto ng mga pambakuna… PRESTO BULTONG PERA ANG.MAKOKOMISYON NG.MGA NAGING AHENTE!
KAILANGAN nga ba ang MANDATORY VACCINES? Sa pananaw ng ARYA at base sa datos ng DOH na wala pang 2% ang nangamatay sa COVID-19 ay MALIWANAG PA SA REPLEKSIYON NG KALBONG ULO na walang dapat ikataranta o ipangamba ang mamamayan dahil hindi ito maituturing na pandemya.., sapagkat wala pang 2% ang namatay sa ating bansa sa halos dalawang taon sa kinatakutang COVID-19.
Ang MANDATORY VACCINATIONS ay hindi maaaring maipatupad dahil, bukod sa walang batas na magmamandato ay may mga sekta ng relihiyon ang labag sa kanilang doktrina ang pagpapabakuna at mayroon ding mga indibiduwal ang paninindigan ay iniaasa nila sa DIYOS ang kanilang buhay o kalusugan at hindi sa bakuna.., kaya, hayaan po natin ang pagpapasiya ng bawat isa bilang aspeto ng KARAPATANG PANTAO!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.