Advertisers

Advertisers

MGA DOKTOR, NARSES, KAYO ANG MODERN-DAY HEROES: YORME ISKO

0 292

Advertisers

INALAYAN ng paghanga at pagpuri ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso nitong Martes, Nobyembre 30, ang di-mapapantayang sakripisyo at ambag ng lahat ng medical workers tulad ng mga narses at doktor sa paglaban sa perwisyo at krisis na dala ng pandemyang COVID-19 sa isang mensahe sa Liwasang Bonifacio sa pag-alala sa ika-158 araw ng pagsilang ni Gat Andres Bonifacio, dakilang bayani at nagtatag ng Katipunan.

Mga bagong bayani ang mga doktor at narses, sabi ng alkalde na sa kanilang pagsasakripisyo, ang ilan sa kanila ay namatay sa pagliligtas ng buhay ng tao.

“Kayo ang mga bagong bayani,..ngayong araw na ito ay kinikilala rin natin sila sapagkat nakakalungkot isipin na ‘yung ating mga doktor at nurses paid also, some of them, the ultimate price serving our people. Sabi nga, in government service there is what we called occupational hazards,” sabi ni Yorme Isko.



Itinulad ni Isko ang mga medical health front liners kay Bonifacio at iba pang bayani na nagbuwis ng buhay para mapalaya ang bansa sa kolonyal na pamamahala ng Espanya.

“Modern-day heroes” ang turing ni Yorme Isko sa mga doktor at narses – na umaabot sa mahigit sa 100 sa kanila ang nahawa, nagkasakit at namatay dahil sa nahawa ng nakamamatay na virus na COVID-19 sa panahong nag-aalaga sila ng mga maysakit na COVID-19 sa mga ospital.

Marami rin naman ang nakaligtas sa kamatayan nang makatanggap ng gamot na tulad ng Remdesivir at Tocilizumab.

Bukod sa mga doktor at narses, pinuri rin ni Yorme Isko ang mga miyembro ng Manila Police District (MPD) na itinaya ang kanilang buhay at pamilya masigurado lamang na ligtas ang mamamayang Manilenyo sa pandemyang COVID-19.

“Public servants, doctors and nurses, and all other members of the government, the members of the Manila Police District paid also the price. Kaya huwag din nating kakalimutan kahit papano sa maliit nating kaparaan mag-alay naman tayo ng dasal sa kanila at sa kanilang mga kaluluwa na nawa’y tanggapin sa langit ng ating Panginoong Diyos ang mga taong nasawi mailigtas lang ang bawat batang Maynila o bawat Pilipino sa buong bansa,” sabi ni Yorme Isko.



Nagpaalaala rin ang alkalde sa mga kabataang Pilipino na alalahanin ang mga sakripisyo ng mga bayani, at matutong pumili ng mahusay na lider ng bansa.

“… huwag tayong magpapalinlang sa mga isinusubo sa ating salitaan, sa mga isinusubong kwento. At mga kababayan, paminsan-minsan maaaring totoo rin ang sinabi ng iba, baka mamaya imbes na banyaga, imbes na dayuhan ang tinataboy natin na nananakop sa atin, tayo-tayo mismong mga Pilipino ang naglalaban-laban at nagpapahirapan,” madamdaming paalaala ni Isko.

Sa okasyon, kasama ng alkalde sa Liwasang Bonifacio sina Vice Mayor Honey Lacuna, House Deputy Speaker at Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante Jr., Manila 4th Dist. Congressman Edward Maceda, Manila 2nd Dist. Rep. Rolando Valeriano, MPD Police Director Brig. Gen. Leo Francisco, mga konsehal, opisyal ng barangay at mga kaanak ni Gat. Andres Bonifacio.

Nag-alay rin ng papuring pumpon ng bulaklak ang 47-anyos na si Yorme Isko sa estatwa ni Bonifacio na isinilang sa Tondo, Maynila noong Nobyembre 30, 1863 at namatay noong Mayo 10, 1897.