Advertisers
BALAK na pigilan ng ilang sektor ang maayos na pagpapatupad sa malawakang pagsawata sa grupong Communist Terrorist Group o CTG. Obvious naman ito dahil sa ‘budget cut of NTF-ELCAC’ na ilang araw nating nakikita sa mga balita. Ramdam na nila ang epekto ng ‘good governance’ dala ng NTF-ELCAC at sa nagkakaisang suporta ng ordinaryong Juan at Juana. Ang ‘convergence efforts’ ng mga ahensiya ng gobyerno ay sampal sa kanilang pang-uuto sa mga tao na ‘inutil at walang ginagawa’ ang ‘mainstream government.’ Nakikita na ngayon na tulong-tulong ang lahat ng government line agencies sa pamamagitan ng ‘whole of nation approach.’
Mismong mga lider ng LGU ang nagpahayag ng pagka-dismaya sa tangkang ito ng ‘makabayan bloc at ilang senador na pilit isinasalba ang naghihingalong kilusan. Ang meyor ng Sadanga, Mountain Province ay dismayado sa mga mambabatas na tinapyasan ang pondo ng NTF-ELCAC. Madiin na sinabi ni Mayor Gabino Ganggangan na ang ginawa ng mga mamababatas na ito ay tila pag-suporta sa linya ng insurgency. At sa gitna ng kaniyang lungkot ay nasabi niya na “may mga tao na katulad ng mga senador na sadyang nakaharang sa pag-unlad [progress]. Sila ang umagaw sa matagal nang pangarap na progreso sa mga napabayaang barangay, tulad namin.” Sa ngayon aktibo siya na nangangampanya sa kanyang mga constituents na ‘HUWAG IBOTO ANG MAKA-KALIWANG LIDER’ ngayong eleksiyon ng 2022.
Ikinabahala naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang ginawa ng mga maka-kaliwang mambabatas, para sa kaniya ang desisyong ito na tapyasin ang ‘significant portion’ sa pondo ng NTF-ELCAC ay tila pagparusa sa mga kanayunan na pinapasukan ng CTG. Aniya, “ang pagtapyas sa BDP fund ng PHP 24 billion ay nagpapakita lamang na hindi nila alam o hindi sila ‘in-touch’ sa tunay na pinagdadaanan ng mga nasa liblib na probinsiya, kawawa ang mga biktima ng CPP-NPA-NDF dito.”
Sa papalapit na election 2022 ay dapat na maging matibay ang ‘political will’ ng mga botante na singilin ang mga maka-kaliwang kandidato tumutulong sa CPP-NPA-NDF, ayon naman kay National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., para sa kanya panahon na para tuldukan ang mahigit limang dekadang paulit-ulit na problema. Para sa kaniya, “gumastos na tayo ng halos trillion na pondo para labanan ang Pandemyang Covid-19. Dapat lang na tayo ay may ‘political will’ para pigilan at labanan ang matagal nang banta sa ating bansa.”
Ang CPP-NPA-NDF ay naka-lista bilang isang ‘terrorist organization’ ng Estados Unidos (USA), European Union, United Kingdom, Australia, Canada, New Zealand at ng Pilipinas. Panawagan para sa mga nabibilang pa rin sa maka-kaliwang grupo, bumaba na kayo at i-surrender na ang mga armas, kasabay ng pagwaksi sa ideolohiyang Komunista. Kapag hindi niyo pa tinanggap ang alok ng kapayapaan ng gobyerno, tiyak na mapapahamak kayo. (Emil Carreon)