Advertisers

Advertisers

Sa desisyong pag-atras sa presidential race… ‘NAUUNAWAAN AKO NG PANGULO’ – BONG GO

0 224

Advertisers

SINABI ni Senator Bong Go na nagkausap na sila ni Pangulong Rodrigo Duterte at nauunawaan aniya ng Chief Executive ang desisyon niyang umatras na sa presidential race sa 2022 elections.

Ayon kay Go, nagkasundo sila ng Pangulo na ituon na lamang ang mga sarili sa pagpapanatili ng Duterte legacy.

“Nagkausap po kami noong isang gabi ni Pangulong Duterte. At naiintindihan naman po ako ni Pangulong Duterte, that I am agonizing po all throughout the days na after I filed my candidacy as President. Talagang nag-a-agonize po ako. Hirap na hirap po ako, hindi po ako maka-concentrate sa pangangampanya dahil sa bigat po ng aking nararamdaman,” sabi ni Go.



“At ayaw ko na pong pahirapan pa si Pangulong Duterte. Mas makaka-focus po kami ngayon dito to protect his legacy, ‘yung kanyang naumpisahang pagbabago,” idinagdag niya.

Sa ngayon ani Go ay ipinauubaya na lamang niya sa Panginoon at sa sambayanang Filipino ang kanyang kapalaran.

“In the past few days po, I realized that my heart and mind are contradicting my own actions. Talagang nagre-resist po ang aking katawan, puso at isipan. Tao lang po ako na nasasaktan at napapagod din. Sa ngayon po, iyon po ang mga rason ko. That is why I am withdrawing from the race,” ipinaliwanag ni Go.

Gayunman, sinabi ni Go na tiyak na susuportahan niya ang presidential candidate na ieendorso ni Pangulong Duterte para magpatuloy ang mga positibong pagbabago na nasimulan ng administrasyon.

“Antayin lang po namin, siyempre kung sino po ‘yung susuportahan ni Pangulong Duterte, ‘yon po ang amin… isa po kami ni Pangulong Duterte. Kung sino ‘yung susuportahan niya bilang pangulo, ‘yun rin po ang aking susuportahan,” sabi ni Go.



“Ang importante rito, kung sino po ‘yung makakapagpatuloy ng mga inumpisahang pagbabago ni Pangulong Duterte…,” dagdag niya.

Ngunit hiniling ni Go sa magiging bagong pangulo na ipagpatuloy ang mga proyekto ng gobyerno na pagtulong sa mahihirap na komunidad, gayundin sa sinimulan niyang Malasakit Center program

“Isa lang po ang pakiusap ko, sa susunod na lider ng ating bansa, sana po’y ipagpatuloy niyo po ‘yung mga magagandang programa, ‘yung mga nakakatulong po sa mga mahihirap.”

“’Yung mga programang walang pinipili, ‘yung mga mahihirap po na walang matakbuhan kung ‘di itong gobyernong ito. Build Build Build program, Malasakit program, libreng edukasyon, libreng pagpapagamot, importante po ‘yon,” ayon sa senador.