Advertisers
SA pag-atras o pagwidro ni Senador Bong Go sa kanyang kanditura sa pagka-pangulo sa 2022 Eleksyon, sino kaya ang susuportahan o iendorso ni Pangulong Rody Duterte?
May ilang presidentiables kasi ang umaasam na iendorso ni Digong pagkatapos ng withdrawal ng kanyang manok na si Sen. Go. Alin kina Manila Mayor Isko Moreno, Sen. Manny Pacquiao at Sen. Ping Lacson?
How about Bongbong Marcos? Malabo si BBM dahil binaboy na ni Digong ang pagkatao nito, nang pagsabihang komunista, weak leader, anak ng magnanakaw at adik sa cocaine.
Pero ang anak ni Digong na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ay Vice ni Marcos.
Ang mag-amang Duterte ay hindi magkasundo. Para sila ngayong tubig at langis.
Si Isko naman ay nakabangayan narin ni Digong few months ago lang. Nagkaroon sila ng matinding word war. Binaboy ni Digong ang pagkatao ng “Batang Tondo”.
Gayundin ang ginawa ni Digong kay Pacquiao. Sobrang minaliit niya ang mababang pinag-aralan ng Pambansang Kamao. Wala raw itong alam. Aray ko!!!
Kaya paano pa niya iendorso ang tatlong nabanggit kong presidentiables na ito?
Si Lacson kaya? Puede! Hindi sila nagkaroon ng sagutan ni Ping. Hmmm…
Si Lacson ay gumaganda ang ratings sa mga survey. Kapag itinaas pa ni Digong ang kanyang kamay ay malamang na lilipat sa kanya ang mga DDS at biglang lalakas ang kanyang kampanya. Tama ba ako, ex-Usec. Rey Marfil?
Subaybayan!
***
Dalawang dating pangulo ng bansa ang nagpahayag ng kanilang suporta kay Marcos. Ito’y sina Erap at GMA.
Pero may negative effect ito sa kampanya ni BBM. Dahil ang dalawang ex-presidents na ito ay parehong nakulong sa pandarambong at iba pang katiwalian noong panahon ng kanilang panunungkulan.
Ang masamang kahapon nina Erap at GMA ay dagdag bigat lang sa madilim ding nakaraan ng mga magulang ni BBM.
Oo! Ang pamilya ni BBM ay napatalsik ng People’s Power noong 1986 dahil sa mga katiwalian, diktador, human rights violations at sobrang pag-abuso sa kapangyarihan.
Naitala pa sa Guinnes Book of World Records ang mga magulang ni BBM bilang most corrupt leaders ng isang bansa.
Ang mga detalyeng ito ay hindi mapapasinungalingan. Igo-Google n’yo lang at lalabas na doon ang lahat ng mga nakalipas ng mga nasabing ex-Presidents at ex-First Lady Imelda Marcos na ina ni BBM.
Pero sabi nga: Ang kasalanan ni Juan ay hindi kasalanan ni Jose, o kaya’y ang mga pagkakamali ng magulang ay hindi kasalanan anak. Kung minsan ay tumatayo ang anak para maituwid ang mga pagkakamali ng mga magulang.
Maaring ito ang misyon ngayon ni BBM, ang bayaran ang mga kasalanan noon ng kanyang mga magulang sa pamamagitan ng maayos na paglilingkod sa bansa. Wish ko lang…
Subali’t manaig kaya siya kay Vice President Leni Robredo na tumalo na sa kanya noong 2016?
Si Robredo, isang abogado, dating congresswoman, walang bagahe sa katawan, walang record ng corruption at tanging opisyal na may pinakamataas na grado ng Commission on Audit. Ang mga moralista, kaparian, human rights groups, labor leaders, doctors, businessmen at kabataan ay nakapanig kay Rob-redo. Tahimik lang ang mga ito pero pink sila sa Mayo 2022. Mismo!!!