Advertisers

Advertisers

Hiyang sa dyowang foreigner… Nadine pinatunayan na ‘di pa laspag

0 279

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

TINAPOS muna ni Heart Evangelista ang lock-in taping ng I Left My Heart In Sorsogon bago nagpunta ng New York para sa isang photo shoot at iba pang commitment.

Pero bago umalis ay pinasalamatan niya ang lahat ng nakasama sa serye, production staff  at  co-actors  sa pamamagitan ng pagho-host ng dinner sa lahat.



Isinabay na rin niya ang bagong business venture nilang magkapatid na si Camille Ongpaunco, ang beauty and wellness  products ng Pure Living International, ang Vitasense. Nakakatulong ang products nila para sa mga mothers at home.

Ayon pa sa Kapuso actress, kasama nila at kinuhang endorser ang Korean actor na si Ji Chang-wook. Nagkita at nagkakilala raw sila ni JI Chang sa Singapore at doon na rin nagkasundo para i-finalize ang pagiging endorser ng naturang product.

Hindi rin magtatagal si Heart sa Tate dahil kailangan niya makauwi para tumulong sa kandidatura ng husband na si Sorsogon Gov. Chiz Escudero na tatakbong Senator sa 2022 election.

***

MARAMI ang nagkagustong tularan o gayahin si Nadine Lustre na kumakain ng oranges na nakasuot ng two piece bikini.



Bukod sa super sexy pa rin ang actress ay napansin ng mga followers ang malusog niyang dibdib na tanda raw na hindi pa ito laspag gaya ng mga ibinabato sa kanya ng bashers.

Perfect pa rin ang kanyang puwet  na isa sa kinagiliwan sa kanya ng mga barakong followers.

Samantala, tila adjusted na raw talaga si Nadine sa  buhay sa Siargao na kasama niya ang boyfriend na si Christopher Bariou  na pati nga raw pamilya nito ay close na kay Nadine na makikita sa isang groupie na sila ay magkakasama.

Habang nasa Siargao si Nadine ay nag-volunteer din daw ito sa mga environmental  protection program / sea patrol group kasama ang grupo ni Andi Eigenmann.

Tila wala na nga, as in totally nakalimutan na ni Nadine ang sakit na dulot ng paghihiwalay nila ni James Reid.

Sana lang ay si Christopher na talaga ang lalaking magmamahal sa kanya ng lubos na hindi siya iiwanan habambuhay.