Advertisers

Advertisers

Winwyn tikom pa rin sa isyung buntis na

0 259

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

ISA sa pinakaaabangang pelikula ngayong Metro Manila Filmfest ay ang ‘Nelia.’ Bkod kasi sa ito lang ang entry na may genre na suspense thriller ay marami ang nagsasabing pang award winning ang portrayal ni Winwyn Marquez bilang si Nelia, na ginampanan ang role ng isang medical worker who suffers a depression dahil sa pandemic.

But wait there’s more. After na matapos ang airing ng serye ni Winwyn kasama sina Lovi Poe at Benjamin Alves, ang ‘Owe My Love’ sa GMA-7 ay nanahimik na ang kampo ni Winwyn. Maliban sa mangilan-ngilan na tsika tulad na lang ng pag-amin niyang may karelasyon na siya after Mark Herras. Kaya nang may lumabas na blind item na pagbubuntis ng isang Kapuso actress ay nabanggit ang pangalan ni Winwyn.



No comment ang kampo ng aktres hinggil sa buntis isyu.

Kaya ngayon palang ay sabik na ang kanyang  followers na makita muli si Winwyn at magsalita na hinggil sa buntis isyu na pinukol sa kanya. Say kasi ng kampo ni Winwyn ay magpo-promote daw ito ng kanilang movie lalo na siya ang title roler at malakas ang laban sa pagka-best actress award.

Isa sa mga huling post ni Winwyn sa social media ay ang kanyang komento hinggil sa pagkakapili ng kanyang movie para maging isa sa 8 official movie na entry ng MMFF 2021.

“Mixed emotions talaga ang nadama ko. Kaba, tuwa, takot pero sobrang grateful na napili ang ‘Nelia’ dahil alam ko buong cast and production binigay lahat no’ng ginagawa ang film,” sabi ni Winwyn.

***



TWELVE years nang Kapuso si Barbie Forteza, at 12 years old din siya nang magsimula sa showbiz bilang Kapuso.

Para kay Barbie, Kapuso Network is her second home. Karamihan sa mga nagawang proyekto ni Barbie ay pawang  romcom o drama, sa bagong taon ng kanyang pagiging Kapuso muli pagkatapos pumirma ng panibagong exclusive contract sa GMA-7 ay nasabi ni Barbie na mas feel niyang gumawa ng mas maraming movie sa darating na mga araw.

Iba raw kasi ang challenge at disiplina kay Barbie sa paggawa ng pelikula kaysa sa isang serye. Keber ni Barbie kahit mainstream o independent movie ang kanyang gawin.

Pagdating naman sa pagiging daring and mature sa mga role, inamin ng young actress na darating  siya sa puntong kinakailangan na rin niyang magpaka-daring sa proyekto.

“Mature, yes, I’d like to say yes, pero not daring particularly. Hindi naman ibig sabihin mature roles eh daring na rin ‘di ba? I’m not saying na hindi ako dadating doon, but I want to take things slow,” saad ni Barbie.

Pagdating naman sa klase ng seryeng nais na gawin ni Barbie, gusto raw niyang mapasabak sa mga maaksyong serye.

“Kung teleserye naman, gusto ko siguro medyo action, para ma-challenge ako,” dagdag na say pa ni Barbie.