Advertisers

Advertisers

11-anyos, inasawa ng adik na ama sa Maynila

0 339

Advertisers

Inaresto ang 44-anyos na ama nang akusahan ng panghahalay sa sariling anak na babae na 11-anyos sa Maynila.

Kinilala ang suspek na si Jefferson ng Pedro Gil St., Sta. Ana, Manila.

Sa ulat ni P/ Lt.Col. Orlando Mirando Jr., Station Commender ng MPD- Station 6 , Martes ng gabi nang maaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Roy Gironella, Presiding Judge ng Regional Trial Court Br 43, ng Manila.



Ayon sa ulat, isang taon na umanong ginagawa ng suspek ang pang-aabuso sa anak.
Napag-alaman na hiwalay sa asawa ang suspek at sa kaniyang naiwan ang tatlo nilang anak.

Ayon sa suspek, hinihipuan lang niya ang kaniyang anak at hindi niya ginalaw.

Nagawa daw niya iyon dahil sa pangungulila sa kaniyang asawa.

Inamin din ng suspek na gumagamit siya ng ilegal na droga.

Desidido naman ang ina ng biktima na sampahan ng kaso ang kaniyang dating asawa.



Hindi raw kaagad nakapagsumbong ang kaniyang anak dahil sa takot, at hindi rin batid na mali ang ginagawa sa kaniya ng ama.

“Gusto ko siyang mabulok sa kulungan,” ayon sa galit na ina ng biktima.

Labis naman ang pagsisisi ng suspek sa ginawa at humiling siya na mapatawad sana siya.

Kasong Qualified Rape sa ilalim ng Article 266-A par 1 ng Revised Penal Code ng Republic Act 8353 at Sexual Assault na inamiyendahan sa Article 8353 na may ugnayan sa Section 5 ng Republic Act 7610 ang kakaharapin ng suspek.(Jocelyn Domenden)