Advertisers

Advertisers

Ano problema nila?

0 1,841

Advertisers

NANGANGANIB ang kandidatura ni BBM. Dumarami ang humihingi ng diskwalipikasyon. May anim na habla ng DQ na isinampa laban sa kanya sa Commission Elections (Comelec). Hindi lang iyon. Nagkakagulo sa lapian na umampon sa kanya. May paksyon sa Partido Federal ang hindi sumasang-ayon sa kanyang kandidatura.

Kakatwa ang kalagayan ng mas malaking paksyon ng PDP-Laban na pinamumunuan ni Al Cusi. Hindi malayo na maglalayag na 2022 na walang kandidato sa panguluhan ang PDP-Laban kahit na ito ang itinuturing na lapian na nasa poder. Hindi gusto ni Bong Go na tumakbo sa pagkapangulo. Nagpahayag si Bong Go na umurong na siya kahit hindi pa ito opisyal.

Sa pananaw ni Francisco Domagoso, ang pag-urong ni Bong Go ang pagkakataon upang sagpangin. Kumatok siya sa pinto ni Rodrigo Duterte at buong kapal ng mukha na humingi ng basbas. Hindi malaman kung pagbibigyan si Domagoso. Matunog ang balita na ayaw ni Duterte kay BBM. Hindi gusto ni Duterte ang balita na nagpailalim ang anak na si Sara kay BBM sa tiket ng lapiang Lakas-NUCD-CMD. Hindi nakakasiguro si Domagoso na makukuha niya ang endoso ni Duterte.



Walang balita sa kampo ni Mane Pacquiao at Ping Lacson. Umurong si Bong Revilla sa pagtakbo kahit halata na hindi siya seryoso na sungkitin ang panguluhan sa 2022. Hindi matunog ang kandidatura ng tatlo. Tahimik na nag-oorganisa ang kampo ni Bise Presidente Leni Robredo sa iba’t ibang panig na bansa. Bumisita kahapon si Leni sa Iloilo at tulad ng inaasahan, dinumog ang kanyang motorcade caravan doon.

Epektibo ang motorcade caravan ni Leni sa pagkuha ng suporta sa sambayanan. Sumasama ang maraming tao na dala ang kani-kanilang sasakyan mula maliit na motorsiklo hanggang sa mga kotse. Iyan ang diwa ng bolunterismo. Ginagaya ni BBM ang istilo ni Leni, ngunit hindi siya magkaroon ng maraming kapanalig na sumasama sa kanyang motorcade. Mas marami ang fake news sa social media kesa sa mga aktuwal na sumasama sa motorcade niya.

Nagpipilit na makuha ni Domagoso ang suporta ni Duterte dahil sa kanyang limitadong pagtaya, si Duterte ang susi sa kanyang tagumpay. Mukhang hindi alam ni Domagoso na lumpong pato na si Duterte at limitado ang kanyang impluwensiya upang ipanalo siya. Hindi namin alam kung magtitiwala si Duterte kay Domagoso na hindi maganda ang reputasyon sa pulitika.

Mistulang isang mumurahing puta si Domagoso na naghahanap ng suporta kahit isinumpa na ng bayan ang kanyang hinihingan. Tinangka niyang kunin ang suporta ng oposisyon, o ang pwersa ng demokrasya. Dahil hindi siya tinanggap, kara-karakang kumalas at sinubukang mag-isa. Mukhang nahihirapan ngayon kaya sinusubukan niya si Duterte.

Walang balita kay Mane kahit hinihingi niya ang basbas ng langit upang magtagumpay. Wala rin balita sa kampo ni Ping. Mukhang hindi umuusad ang kanilang kandidatura. Hanggang porma si Bong. Pinakahuling balita sa kanya ang pagpaskel sa social media ng walang saplot maliban sa short na pang-ibaba upang ipakita ang mga masel. Maliban sa mga bakla at matrona, walang natuwa sa kanyang mga larawan. Hindi epektib dahil hindi kailangan.



Hindi nalalayo sa manok na pinutol ang leeg ang PDP-Laban dahil umurong si Bong Go. Walang patotoo sa kanyang desisyon na umurong. Hindi siya personal na nagpunta sa Comelec upang gawing pormal ang pag-urong. Mukhang drowing lang ang kanyang sinasabi sa publiko. Ito ang problema ng mga taga-Davao City. Limitado ang pananaw at pag-unawa sa maraming bagay. Akala nila ganito lang kadali ang pulitika.

Kandarapa ang ilang masugid na tagasuporta upang himukin si Bong Go na tumakbo sa 2022. Naninikluhod sila at kulang na lang lumakad ng paluhod sa Simbahan ng Poong Nazareno sa Quiapo upang kumbinsihin si Bong Go. Ngunit hindi natitinag si Bong Go dahil alam niya na kulelat siya sa anim na naglalabanan sa panguluhan.

Hindi sinasalamin ng kanyang pagmumukha ang tagumpay. Wala siyang winning face. Sa survey, binuwenas na siya kung nakuha niya ang 4% hanggang 5% sa bawat 100 katao na tinanong kung ihahalal siya. Kamalas-malasan.

***

KUNG kamalasan ang usapan, nandiyan si Herminio Roque na tumatakbo sa pagka-senador. Simple ang problema niya. Mukhang siya ng tinutuya ni Imee Marcos na kandidato na halos magpakamatay na mapabilang s tiket ni BBM-Sara. Hindi maganda na kasama mismo ni Herminio ang lumibak sa kanya. Natalo kamakailan si Herminio sa halalan ng mga kasapi sa board of director ng International Law Commission ng United Nations. Nagdiwang ang maraming netizen sa social media dahil kulelat siya.

Maganda ang pag-angat ng pitong kandidato sa tiket ni Leni-Kiko sa pagka-senador. Sila kasi ang isinasama ni Leni sa kampanya. Hindi isinasama ang lima na pawang mga guest candidate lamang. Ang pito ay sina Risa Hontiveros, Chel Diokno, Sonny Trillanes, Teddy Baguilat, Alex Lacson, Sonny Matula, at kinatawan ni Leila de Lima na kasalukuyang nakapiit.

Sa mga naglalabasan na political ads ng kampo ni Leni, hindi binabanggit ang limang guest candidate sa pagka-senador. Isang dahilan ay guest candidate rin sila sa ibang lapian. Sa maikli, namamangka sa dalawa o tatlong ilog ang mga guest candidate. Totoong nakakasuka.

***

MAYROON kaming post sa social media kung saan nabanggit namin ang ilang bagay na dapat maunawaan ng mga mamamahayag sa broadcast media. Pakibasa:

ILANG TALA PARA SA MGA MAMAMAHAYAG SA BROADCAST:

1. Hindi ginagamit ang patungkol. Ang tamang salita ay tungkol, o hinggil. Marapat magkaroon ng kasanayan sa wikang pambansa. Hindi naman kayo kagalingan upang umimbento ng mga bagong salita.

2. Hindi tama ang kasundaluhan at kapulisan. Ang tamang gamit ay pulisya at militar. Totoong hindi kayo kagalingan upang umimbento ng mga bagong salita. Gamitin ng tama ang nasa talasalitaan (dictionary).

3. Hindi ginagamit ang “daw” at “raw.” Ginagamit iyan kung ang ulat ninyo ay tsismis. Pero kung may matibay kayong paniniwala na ang inuulat ninyo ay pawang katotohanan, alisin ang mga daw at raw.

4. Hindi ginagamit ang medyo sa ulat. Ang ibig sabihin ng medyo ay media o medio sa wikang Kastilla. Kalahati ang katumbas nito sa wika natin.. Kapag ginamit mo ang medyo, hinati mo ang iyong sinasabi. Bawal iyan.