Advertisers

Advertisers

Cavite Jueteng lord ‘Jon Yap’, kinukolektahan ni OGGIE V. ng CIDG?

0 344

Advertisers

HINDI lang pala mga korap na pulis sa Cavite ang nakikinabang sa kayamanan ng isang alyas “Jon Yap”, kundi maging ang mga korap na pulis sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Ito’y dahil si alyas “Ogie V.” na nagyayabang na konektado sa CIDG ay nangungolekta rin umano ng lingguhang tara para sa kanyang mga amo sa CIDG, siyang siwalat ng impormante sa BIGWAS!

Tiniyak ng ating impormante na ang lingguhang parating ng kampo ni alyas Jon Yap sa mga korap na pulis ng Cavite at CIDG ay siyang tanging dahilan kung bakit hindi nagwawakas ang jueteng ng nabanggit na alyas Yap sa Cavite.



Pokaragat na ‘yan!

Bago dumating ang coronavirus disease – 2019 (COVID – 19) sa bansa hanggang rapiduhin ng sakit na ito ang bansa hanggang ngayong nagsimula na ang panahon ng halalan ay patuloy ang pamamayagpag ng jueteng sa Cavite dahil mistulang protektado ng mga alagad ng batas ang iligal na negosyo ni alyas Jon Yap.

May nakapagsabi sa akin na mahigpit ang direktor ng CIDG na si Major General Albert Ignatius Ferro kung gawain, tungkulin at obligasyon ng Philippine National Police (PNP) ang pag-uusapan.

Ngunit, nang makarating sa akin ang impormasyon tungkol sa pangungolekta ng alyas Ogie V. mula sa mga gambling lord para sa mga korap na opisyal ng CIDG ay bigla akong lumupaypay sa aking kinauupuan dahil biglang naglaho ang magagandang kuwento sa akin tungkol kay Major General Ferro dahil sa koneksyon ni alyas Ogie V. sa CIDG.

Pokaragat na ‘yan!



Gayunpaman, hindi pa rin ako naniniwalang kasama si Ferro sa ipinangungolekta ni alyas Ogie V. mula sa mga iligal na sugal, kasama na ang pahuweteng ni alyas Jon Yap sa Cavite.

Sa tingin ko, kailangang mabilis na kumilos si Ferro upang supilin at tapusin ang pangungolekta ni alyas Ogie V. sa ngalan ng mga masasamang-loob sa CIDG.

Sa palagay ko rin, obligadong kumilos at magkasa ng mapagpasyang hakbang si Ferro laban kay alyas Jon Yap upang hindi tuluyang magliyab ang apelyidong Ferro, lalo pa’t mayroon umanong isang Ferro na nominado na maging kinatawan ng isang party-list group kapag manalo ito sa halalang Mayo,2022.

Alamin sa susunod ang nasabing partido ng nabanggit kong Ferro na papasukin ang daigdig ng mababang kapulungan ng Kongreso at ang kaugnayan dito ng isa ring “Ogie”.

Pokaragat na ‘yan!