Advertisers
Ni JOVI LLOZA
MISMONG si Luis Manzano at misis na si Jessy Mendiola ay gulat sa pics na ipinasa sa kanya ng kaibigan.
Wala namang kaalam-alam si Luis na luma-lovelife na ang kanyang Dad na si Edu Manzano.
Naispatan yata ng mga kaibigan ni Luis na nag-date night sina Doods at Cherry Pie Picache.
Nakunan ng pics at sinend kay Luis kaya gulat ang mag-asawa nang makita si Edu na sweet kay Cherry Pie.
Finorward din nga ni Luis sa ama ang picture na send lang sa kanya na magka-date ito at si Cherry Pie.
Kaya tunukso naman ni Luis ang ama na ‘Happy boy, huh!?
Sinagot naman ito ni Edu ‘Oo anak happy na happy.’
Ikinaloka lang ni Luis ang super mega sweet na picture ng ama at Tita Pie niya, tawag nito sa award-winning actress.
Sakaling makabalik sa ere ang ABS-CBN ay puwede raw ipangtapat ang DoodzPie sa KathNiel.
Nabuo ang relasyon ng dalawa nang magsama sila sa serye na ‘Marry Me, Marry You.’
***
BUKOD tangi raw ang movie nina Coco Martin at Angelica Panganiban na ‘Love or Money’ ang ipinalabas ngayong taon, 2021.
Halos lahat daw ng anim na pelikula bukod kay Coco ang ibang movie na kalahok ay gawa ng 2020, may ipinalabas nung 2020 at yung iba ay di pa ipinalabas.
Kaya kapansin-pansin na bukod tangi na ang ‘Love or Money’ ni Coco ang ipinalabas ngayong taon.
Kaya may mga tanong naman ang netizens kung bakit at paano ito nakapasok para ma-nominado si Coco sa 69th Famas awards.
Hindi pa naman ini-anunsiyo kung kailan gagawin ang nasabing award-giving body.
Pinagpapaliwanag ang pamunuan ng Famas kung bakit naminado si Coco samantalang ngayong taon lang naipalabas ang kanyang ‘Love or Money’.
Well, well, well…Yun na!