Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
PABIRONG humingi ng paumanhin ang bida ng The World Between Us na si Jasmine Curtis-Smith sa mga manonood ng kanilang programa dahil ang inaabangan ng mga tao na kasal nina Louie at Lia, ay imagination lang pala.
Tweet ni Jasmine, “Ohps sowee.”
Kahit na imagination lang ang kasal nina Louie at Lia, marami pa rin ang kinilig dito at umaasang magkakatotoo ito sa dulo ng kanilang kwento.
Magkakatotoo kaya ang kasal nina Louie at Lia sa The World Between Us?
Hindi mo ba napapanood ang The World Between Us sa GMA? Huwag mag-alala dahil mapapanood na rin ito sa GTV!
Simula November 29, mapapanood na rin ang The World Between Us sa GTV, 11:30 ng gabi, mula Lunes hanggang Huwebes.
Bukod sa GMA, naka-simulcast din sa Heart of Asia Channel ang The World Between Us, na umeere tuwing 8:50 ng gabi pagkatapos ng I Left My Heart in Sorsogon.
Pinagbibidahan nina Asia’s Multimedia Star Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, at Tom Rodriguez ang The World Between Us bilang sina Louie, Lia, at Brian.
“Your support means the world to me,” tweet ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa lahat ng sumuporta sa pagbabalik ng ‘The World Between Us.’
Nagpasalamat si Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa lahat ng tumutok sa pagbabalik ng pinagbibidahan niyang The World Between Us noong November 22.
Tweet ni Alden, “It feels great to be back! Thank you for spending some of your time tonight to watch the season return of #TWBUFirstNight!”
Tuwang-tuwa naman ang mga manonood ng The World Between Us sa muli nitong pagbabalik sa telebisyon. Komento ng ilan, “Worth the wait” ang pag-iintay nila ng mahigit dalawang buwan.
***
INAMIN ni Kapuso primetime actress Max Collins na malaki talaga ang naging epekto sa pang-araw-araw niyang buhay ang kasalukuyang nagaganap na pandemya dulot ng COVID-19.
Lalo pa nga at hinahati niya ang kanyang oras bilang aktres at ina sa kanyang one-year-old son na si Skye Anakin.
Sa kanyang latest vlog, ipinasilip ni Max ang buhay niya bilang isang artista noong naka-lock in taping siya sa Bataan para sa GMA series na To Have And To Hold.
Aminado ang magandang aktres na may mga pagkakataon na mahirap ang lock in taping dahil malayo siya sa kanyang pamilya.
“Siyempre na-miss ko ‘to (Skye Anakin).
“It was hard for me to be away from him, but buti na lang may Face Time to talk and I’m sure you moms can relate.”
“It’s really hard to be away in lock-in taping because siyempre you are far from your family and you can’t do all the normal things you always do.”
Sa aspeto ng pagtatrabaho, ang kasalukuyang set-up ng mga produksyon ay nananatiling malayo sa kung paano ang sitwasyon bago maganap ang pandemic.
At ayon kay Max…
“The good thing about lock-in tapings is that everyone in the team already knows how the story will unfold and end. Plus, they get to bond with their co-actors and crew of the show even more.
“So, it’s super different from how taping was before, because before we were always ngarag, we didn’t really know how the story would end.
“And we were always pressed for time, but at least now, we know the full story before we even enter the taping and it’s really time to bond as well with your co-actors and parang immerse ourselves.”
Napapanood ang To Have And To Hold weeknights sa GMA pagkatapos ng The World Between Us na kasama ni Max sina Carla Abellana at Rocco Nacino.