Advertisers

Advertisers

Pekeng MTPB enforcer, kulong

0 260

Advertisers

Arestado ang isang lalaki na nagpapanggap na tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) nang mabuking sa kanyang modus sa Maynila.

Kinilala ang suspek na si Dodgie Garcia.

Sinabi ni MPD Station 3 commander P/Lt.Col John Guiagui, 6:45 mg umaga nang maaresto ang suspek sa bahagi ng Sta.Cruz, sa Maynila habang nagbebenta ng mga stickers ng MTPB at ng Manila City Hall.



Nabatid na halagang P200 ang presyo ng nasabing mga stickers na iniaalok ng suspek sa mga truck at tricycle drivers.

Ayon pa kay Guiagui, market strategy ng suspek sa mga nabentahan nito ng stickers na hindi sila mahuhuli basta may stickers ang kanilang sasakyan subali’t hindi pa rin nakakaligtas sa huli ang mga ito.

Napag-alaman pa na dating tauhan ng MTPB ang suspek ngunit tinanggap sa trabaho dahil din sa kanyang modus na pag-aareglo ng mga na-i-impound na mga sasakyan na ginagawang pagkaperahan.

Katwiran naman ng suspek kinukuha nito ang sticker sa Recto ng halagang P50 at binibenta ng P200 kada isang piraso. (Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">