Alma ready na sa pag-aasawa ng anak na si Winwyn; AJ umamin na sa tunay na relasyon kina Diego at Aljur
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
BINASAG na nga ni AJ Raval ang kanyang katahimikan hinggil sa pagkakasangkot ng name nito sa relasyong Barbie Imperial at Diego Loyzaga.
Sa interbyu kay Barbie ng King of Talk na si Kuya Boy ay hinamon ni Barbie si AJ at magsalita sa isyung kabit.
Bakit daw nanahimik ito at nagkikibit balikat lang sa isyung pinupukol sa kanya at happy na napag-uusapan.
Ayon naman kay AJ ayon sa isang showbiz platform ay inihayag na nito ang tunay na relasyon nila ni Diego.
Wala raw silang relasyon, ‘di ito nanliligaw tulad ng pinalalabas na tsika at never din daw itong dumalaw sa Pampanga.
Nagkasama lang sila sa isang project at hanggang doon lang daw ‘yun.
Binengga rin ni AJ ang kuda ni Barbie na binebeybi siya or beybi ang treat sa circle of friends nila at paano raw mangyari ‘yun di naman daw ganun sila ka-close ng gf ni Diego.
Sa isyung real status nila ni Aljur Abrenica, magkaibigan lang daw sila at nag-uusap regarding sa problema at buhay.
At ngayon nga raw na clear na ni AJ ang isyu ay pagpapahayag na nga raw niya ito sa pagkakasangkot ng name niya kina Diego at Aljur.
***
SA anak naman ni Alma Moreno nabanggit kung sino kina Winwyn at Vito Marquez ang mag-aasawa na.
Sa panayam kay Ness sa Mars pa more ay ibinuking nito na tila ang anak nitong si Winwyn.
Malabo naman daw si Vito dahil bata naman daw ito ayon pa kay Alma.
Nagsabi naman ito na may dine-date or may nagde-date na sa anak.
At handa naman daw si Alma na ang kanyang anak ay patungo sa pagbuo ng sariling pamilya.
Never daw naman mapipigil ‘yan at darating at darating nga raw sa kahit kaninong tao.
Dagdag paglilinaw ng actress-politician na nasa thirty na rin naman si Winwyn kumbaga ay nasa right age na para lumagay sa tahimik.
At sino nga naman daw si Alma na nanay ni Winwyn para pigilin ang kasiyahan nito. Suportado naman daw lahat nito ang anak lalo na kung magiging masaya ang mga ito.
Well, well, well…’Yun na!