Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
MAGSISILBING inspirasyon sa talented na singer/songwriter na si Ashley Aunor ang dalawang awards na kanyang napanalunan sa nagdaang 12th PMPC Star Awards for Music.
Wika ni Ashley, “A big reminder siya na ituloy-tuloy ko, ifollow yung passion ko and dream ko kahit anong mangyari. I know within myself na this is just the beginning. I’m grateful everyday and iclaim ko, na marami pang surprises si God sa career ko and life in general. God is always there for us and I’m very thankful.”
Ang dalawang awards na nasungkit ni Ashley ay ang Novelty Song of the Year at Novelty Artist of the Year para sa kantang Mataba, mula Star Music.
Biniro niya ba ang kanyang Ate Marion na natalbugan niya ito dahil two awards ang nakuha niya?
Natawa muna si Ashley sa aming biro, bago sumagot, “Hahaha! Grabe yung tanong, hahaha! Hindi ko naman natalbugan si Ate Marion. Hahaha! As in hindi po bola. Kasi si Ate Marion, ang dami na napuntahan ng career niya. Ang dami na niyang awards, bilang artist, songwriter, producer, Grammy member pa siya, actress at label head pa, na-add niya sa mahabang list ng career paths niya.
“Parang stage sister na tuloy ang vibe ko, pero proud na proud ako talaga sa kanya and I love her very much. Siya talaga ang isa sa biggest inspirations ko. She supports me and I support her. We love each other very much and I know may sarili rin akong path and purpose sa life for sure.
“So wala naman yun sa amin pareho. Her wins are my wins and vice versa rin. Aunorable Productions for the win!”
Gaano sila ka-close ng kanyang Ate Marion? “Sa sobrang magkasama kami palagi, kahit hindi kami nag-uusap, magtinginan lang kami, gets na namin agad kung ano nasa mind ng isa’t isa.
“Well, we’ve known each other since birth so sobrang familiar namin and ‘di rin namin matiis hindi mag-usap tuwing nasa movie shoot or may work outside si Ate Marion. Clingy kami na hindi naman din sobrang cheesy. Tamang cheesy lang,” nakangiting sambit pa ni Ashley.
Nagkakatampuhan din ba sila? “Kapag nai-stress kami sa work, ‘di naman siyempre maiwasan ang conflict. Normal naman sa magkapatid, mag-away-bati. Stress lang talaga kapag may project kami and kapag napipikon ako sa pranks/jokes ni Ate Marion.
“Pero role naman ng big sister na mang-asar ng bunso, so okay lang naman hahaha!”
Paano niya ide-describe si Marion bilang artist at bilang ate? “To be honest, I love how authentic and honest she is in her work and in general. Her career never changed her values and the way she is. Very humble and real siya to this day. Hindi siya yung type na gagawin ang lahat para mambola.
“In other words, she never changed herself to please others. Gusto ko na forever mabait siya sa lahat ng fans niya and parang pamilya na rin ang turing niya sa kanila.
“Bilang big sis? Ayaw ni Ate Marion na openly sweet kami na sisters, kasi cheesy daw masyado. Pero palagi lang kaming panay joke na magka-away kunwari,” nakatawang wika pa ni Ashley na sa latest single niyang Gone Too Soon ay muling nagpakita ng kanyang husay sa musika.