Advertisers

Advertisers

Joaquin huli sa akto ng yaya na may ginagawang ‘milagro’

0 663

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

BIDA na ang anak na si Yorme na si Joaquin Domagoso sa pelikulang Caught In the Act na idinirek ni Perry Escano.

Ani Joaquin,  hindi naman niya ikinaila na minsan ay may ginawa siyang milagro na nahuli siya sa akto ng kanyang yaya.



Nangyari lang daw ang naturang insidente last year.

“May ginagawa po kasi ako sa kuwarto ko privately. Nasa IPad po ako. Akala ko naka-locked iyong room. Biglang pumasok po ang yaya ko, so wala akong nagawa,” pilyo niyang kuwento.

Naka-get over daw naman agad siya sa nasabing embarassing experience dahil naniniwala siyang bahagi lamang iyon ng exploration niya bilang kabataan.

Bilang celebrity na maraming followers, naniniwala rin siyang malakas ang impluwensya niya sa kapwa millennials kaya gusto niyang gamitin ang social media responsibly.

“I guess, I would say na I categorize myself as a social media influencer, pero iyong pagkaka-influence ko sa mga tao,  medyo nakukulangan po ako sa mga post ko. I do consider that pag artista ka ngayon,  you’re more or less isang social media influencer. The thing is that you have to use your influence to spread positivity and use social media responsibly,” aniya.



Regarding being compared with his father Isko Moreno,  aminado naman siyang nakakaramdam siya ng pressure paminsan-minsan kapag naihahambing sa popularidad at achievements ng ama.

“Expected ko na po kasi iyon noong pumasok ako sa showbiz. Ako naman po,  I want to make a name for myself at makilala po on my own merits,” paliwanag niya.

Kabituin ni Joaquin sa pelikula ang Star Magic artist na si Andi Abaya.

Kasama rin sa cast sina Jhassy Busran, Bamboo B, Karel Marquez, Lance Raymundo, Josh Lichtenberg, Shido Roxas, Ejay Panganiban, John Gabriel, Toni Co at marami pang iba.

Ang Caught In The Act ay kuwento ng millennials na nakadiskubre ng kakaibang app  na tutulong sa paglutas ng mga krimen sa kanilang lugar.

Bilang kauna-unahang Pinoy movie na ipalalabas sa muling pagbubukas ng mga sinehan sa panahon ng pandemya,  mapapanood na ito sa buong bansa ngayong Disyembre.