Advertisers

Advertisers

LUCHO AGUILAR PANGARAP MAGING OLYMPIAN

Wrestling at Jiujitsu Kid...

0 470

Advertisers

OPTIMISTIKO ang batang atletang si Lucho Aguilar na kayang abutin ang pangarap na maging Olympian ng bansa balang araw basta pagtutuunan lang ng dedikasyon ,patriotismo , tapang at suporta ng kinauukulan.

Ang 13- anyos na nakababatang kapatid ng upcoming international martial artist na si Lucas at anak ni jiujitsu international medalist at kasalukuyang pangulo ng Wrestling Association of the Philippines Alvin Aguilar,ay nasa marubdob nang pagsasanay sa wrestling at jiujitsu partikular ngayong maluwag na ang panuntunan sa pandemya ng IATF lalo na sa larangan ng sports.

Sa kanyang murang edad,ang grade8 student ng Dela Salle Zobel ay tunay na nahilig sa combat sports sa halip na ballgames tulad ng basketball na angkop sa kanyang tangkad at pagiging atletesismo.



Ang unang tikim ng tagumpay sa larangan ng martial arts ay nang maka- gold medal siya sa local competition.Dahil dito at sa impluwensiya ng kanyang idol dad ay tumaas ang kanyang adrenaline upang umusad at sumulong ang kanyang ambisyong katawanin ang bansa sa international na kumpetisyon.

Sa kalaunan ay nakapag-uwi na si Lucho ng wrestling golds mula sa nilahukang torneo sa Taiwan at Singapore kung saan ay nakatunggali nia ang mga ka-match na powerhouse bets mula USA,Russia,Brazil at Kazakhstan bago ang pandemya.

Aniya, kung tinatalo niya ngayon ang mga malalakas na kalaban mula sa malalaking bansa ay posible na ang mag-ambisyon ng medalya sa tamang panahon para sa kanya.
Naniniwala siyang sa individual sports me tsansa ang Pinoy athlete tulad niya keysa sa teamsports.

“ Olympic is possible for me.You’ll gonna work hard for it to achieve your goal.Play martial arts you won’t regret it^, wika ni Lucho na nagte-train para sa malaking international mixed martial arts federation tournament sa Middle East na kakatawan bilang Philippine Mixed Matial Arts Federation bet kasama ang iba pang miyembro ng Ph selection.

Si Lucho ay entusyastiko rin sa larangan ng arnis na nagsisilbing kanyang cross-training bago sumabak sa malaking torneo ng wrestling at jiujitsu.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">