Advertisers

Advertisers

Sanya at Gabby posibleng magkainlaban sa muling pagsasama sa serye; Barbie frustrated singer

0 295

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

MULING pinainit ni Sanya Lopez ang kanyang followers sa Instagram post  sa suot na two piece yellow bikini. Maging ang female friends ni Sanya ay nabulabog dahil talaga namang napaka-sexy ng actress sa kanyang kasuotan.

Hindi nabanggit ni Sanya kung saang location kinunan ang seksing larawan pero marami ang nagsabi sa locked-in taping ng First Lady nila ni Gabby Concepcion naganap ang pictorial.



Pati ang kapatid niyang si Jak Roberto ay nakapag-comment ng, “Ano  ka  d`yan?”  na kaagad naman sinagot ni Sanya ng, “@jakroberto `wag  kang  anooo.”

Biro ng fans ay hindi nagustuhan ni Jak ang sexy photo ni Sanya kaya hinahanap na nito ang pamalo na binibiro nito sa kapatid.

Kahit kababaihan ay “grabe” ang nakagugulat na reaction na comment sa larawan ni Sanya. Pati mga sosyalera ay napa-comment din kahit “hello yellow” lang ang caption ni Sanya ay lahat nabulabog.

Matatandaang sa First Yaya ay nagkaroon ng isyu ang pagiging super sweet sa isa`t isa nina Sanya at Gabby. Sa continuation ng serye na First Lady ay mag-asawa na sila. Hindi raw kaya mauwi na talaga sa totohanang relasyon ang pagsasama muli ng dalawa sa First Lady?

Marami ang nagsasabi na masuwerte si Gabby kapag si Sanya ang nakarelasyon ng actor.



***

WISH ni Barbie Forteza na makasama sa isang project si Julie Anne San Jose.

Mala-musical  serye ang gustong gawin ni Barbie at gusto niya na maging mentor niya sa pagkanta si Limitless star Julie Anne para maitama raw kapag wala siya sa tono.

Hindi lang sa pagkanta hinahangaan ni Barbie si Julie, maging sa pagtugtog ng musical instruments tulad ng guitar, drums, piano, atbp.

Aminado si Barbie na frustration niya ang maging singer kaya gusto niyang pagtuunan ng pansin ang pagkanta kung mabibigyan ng pagkakataon.

Pero sa ngayon ay malabo sila magsama ni Julie Ann sa isang serye dahil pareho silang busy.

Katatapos lang ni Barbie mag-guest sa anniversary episode ng Wish Ko Lang at magsisimula na siya sa bagong serye sa Kapuso Network.

Walang ibinigay na detalye si Barbie na nag-renew muli ng kontrata sa GMA 7 pero drama raw ito at hindi isang romcom.

Pagdating sa kanyang lovelife ay very strong pa rin ang relasyon nila ni Jak Roberto.