Advertisers

Advertisers

Valeen walang paki kahit sabihang mukhang kelot na sa pag-gym

0 239

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

AMINADO  si Luis Manzano na off guard siya sa relasyon ngayon ng kanyang ama na si Edu Manzano at Cherry Pie Picache.

Say ni Luis, nalaman lang niya nang may nagpadala sa kanya ng larawan na sweet na nagdi-date ang ama at kasintahan. Hindi naman pinalagpas ni Luis ang nasagap na impormasyon kaya dali-dali ay chinat niya si Edu para kumpirmahin ang tunay na relasyon ng ama at Cherry Pie.



“We were really shocked.  Sobrang we were caught off guard. Ang galing lang,” say ni Luis.

Hindi ba naman nagpahiwatig sa kanya si Edu na liligawan nito si Cherry Pie ganung open secret naman silang mag-ama?

“Talagang no one saw it coming. I don’t even think dad and Tita Pie saw it coming,” say pa rin ni Luis.

Paano naman kaya kinumpronta ni Luis ang ama sa kanyang napag-alaman thru pictures na pinadala sa kanya ng isang kakilala?

“I think a friend of mine took a picture with them and he sent me a picture. He was with Daddy and Tita Pie. Date night yata sila. So, I sent the picture back to Daddy. I said, ‘Uy daddy, happy boy ka.’ Sabi niya, ‘Yes anak, happy,’” dagdag na say pa ni Luis.



***

ISA si Valeen Montenegro sa mga sexy actress natin na nai-feature noon bilang sexy actress ng FHM Magazine.

Maraming humanga sa alindog ni Valeen kahit pa sabihin na hindi siya masyadong nabiyayaan ng malaking boobs. Bilang isang sexy actress ay patuloy pa rin ang gym ni Valeen to stay fit and healthy.

Pero may mga nakapuna kay Valeen na tila nagkaka-muscle na ito at nagmumukhang lalake na. Kaya sa isang larawan na ipinost ng komedyana ay may mga nagkomento.

“Madami, parang ‘Mukha kang lalaki,’ ‘Bakit ka nagwo-workout nang ganiyan? Nagmumukha kang lalaki'” sabi ni Valeen.

Hindi naman kaya na-offend ang byuti ni Valeen lalo pa nga’t dati siyang FHM girl?

“It doesn’t affect me,”  say ni Valeen.

Isa sa nagpapalakas ng loob kay Valeen kahit nasisira minsan ang kanyang mood sa mga sobrang negatibong bash sa kanya ay ang mga netizens na pinupuri naman ang Kapuso actress sa kanilang komento.

“Natutuwa ako sa little details na kunwari, sinasabi na ‘Fresh ka today,’ ‘yung mga ganu’n na nakakaganda ng araw,” dagdag na sabi pa ni Valeen.

Sa ngayon ay bisi-bisihan si Valeen sa kanilang comedy gag show na “Bubble Gang” na mapapanood sa GMA7 kada Biyernes ng gabi.