Advertisers
LIMA katao kasama ang boat operator ang sinagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa lumubog na motorbanca sa baybaying sakop ng Labor Island sa Surigao City .
Ayon sa PCG, sa kabila ng suspensyon ng biyahe dahil sa inilabas na gale warning, naglayag pa rin ang MBCA “Jimboy” mula Barangay Buenavista, Surigao City patungong Barangay Balibayon, Surigao City.
Sa kanilang paglalayag, nakasagupa nila ang malalaking alon na sumira sa gitnang bahagi ng motorbanca.
Dinala ng PCG team ang mga nasagip na indibidwal sa PCG Station Surigao del Norte.
Pinayuhan ng PCG ang mga biktime na huwag nang pumalaot kapag masama ang lagay ng panahon upang maiwasan ang kahalintulad na insidente. (Jocelyn Domenden)