Advertisers

Advertisers

Back to normal na nga ba?

0 430

Advertisers

MALIGAYANG Pasko at Masagana, Ligtas at Payapang Bagong Taon ang bati ng inyong lingkod sa inyong lahat na masusugid na taga-subaysabay ng ating pitak na REALIDAD dito sa pahayang Police Files Tonight.

Pasko at Bagong Taon po ang nasa isip po nating lahat makaraang ibaba na sa Alert Level 2 ang kalakhang-Maynila at may posibilidad pang bumaba ito at maging ganap na Alert Level 1.

Samantala, magandang balita rin ang hatid ng dalawang siyudad dito sa NCR makaraang idineklara ng San Juan at Marikina City na nakamtan na nila ang herd immunity matapos malagpasan ang kani-kanilang target population sa pagbabakuna laban sa COVID-19.



Saad ni San Juan City Mayor Francis Zamora, nasa 242% na ng kanilang target population ang nababakunahan.

Ayon pa kay Zamora, pumalo na sa 214,231 residente ang bakunado na kontra COVID.

Habang 143% na ang herd immunity sa Marikina.

Nilinaw ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro, nasa mahigit 420 na ang nabakunahan sa kanilang lungsod.

INEXTEND ng pamahalaan ang 3 days na National Vaccination Day: Bayanihan Bakunahan hanggang nitong Disyembre 3.



Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., pagpapalawig ay para sa isang epektibo at malawakang pagbabakuna laban sa nakahahawang sakit.

Biningyan-diin ni Galvez Jr na target mabakunahan ang siyam na milyong Filipino sa kasagsagan ng inoculation drive.

Base sa huling datos ng National Vaccination Operations Center (NVOC), umabot na sa mahigit 5.3 milyong indibiduwal ang nabigyan ng bakuna kontra COVID-19.

Sana nga ay magtuloy-tuloy na ang pag-igi ng sitwasyon at wag nang ganap na makarating sa ating bansa ang iba pang variant ng Covid-19 gaya ng African Omicron variant na bagamat madaling makahawa ay hindi naman umano deadly at sadyang napakababa ang mortality rate.

Ayon sa pag-aaral, walang rason para mangamba ang mga tao sa variant na ito na katumbas lamang ng ordinaryong sipon o ubo.

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
Ugaliin rin makinig at sumubaybay sa REALIDAD Online. Monday to Friday 4pm to 5pm over Elizalde Broadcasting