Advertisers

Advertisers

Honey at Yul nag-inspeksyon sa implementasyon ng F2F sa 2 paaralan sa Maynila

0 246

Advertisers

PINANGUNAHAN nina Manila Vice Mayor Honey Lacuna at Congressman Yul Servo ang inspection ng pilot implementation ng limited face-to-face classes sa dalawang public schools sa Manila, kung saan kapwa sila nagpahayag ng kasiyahan sa maaayos na pagsasagawa ng klase at pagpapatupad ng health protocols sa lugar.

Ayon kay Lacuna, ang inspection ay ginawa sa utos ni Manila Mayor Isko Moreno na nagsabi sa kanilang alamin ang mga posibleng problemang lilitaw kauganay sa implementasyon ng face-to-face classes sa Aurora Quezon Elementary School sa Malate, Manila at sa Ramon Avancena High School sa Quiapo , ito ang kaunahang pagsasagawa ng face-to-face classes simula ng pandemya.

Nagpasalamat sina Lacuna at Servo dahil maayos ang pagsisimula ng face-to-face classes at walang naiulat na problema ayon sa ulat ni Division of City Schools Superintendent Magdalena Lim, na sumama sa pag-iikot ng bise alkalde at congressman.



Sinabi pa ni Lacuna na maging ang mga pag-aalinlangan ng mga magulang na papasukin ang kanilang mga anak ay natugunan sa pamamagitan ng pagsusuot ng facemask at paglalagay ng acrylic barrier sa bawat mesa ng mga bata para sa proper distancing.

“We assure the parents that strict health protocols are being followed for the safety and protection of the students and the teaching staff as well,” sabi ni Lacuna.

Sa kanyang bahagi, sinabi ni Servo na natutuwa siya ay nakita niyang masaya ang mga bata sa pagbabalik eskwela.

Ayon kay Lim, may 60 estudyante mula Kinder hanggang Grade 5 level ang nakilahok sa Aurora Quezon Elementary School, habang 15 senior high students naman ang lumahok sa Ramon Avancena High School.

“Napakaimportante nito dahil iba pa rin kasi talaga ang ginagawa natin na pagtuturo at pag-aaral kapag face-to-face. Iba pa rin talaga ang may interaction kaya naman looking forward ang mga bata,” ayon pa kay Lacuna.



“Alam natin na excited na silang makita ang kanilang mga classroom at kanilang mga classmates pero ina-assure natin ang mga magulang na we’ll be following strict protocols para sa mga anak nila para protektado po sila this face-to-face classes dahil unvaccinated pa ang mga bata,” dagdag pa nito.

Sinabi rin ni Lacuna na lahat ng mga teaching personnel ay bakunado na lahat at pinag-usapan na nila ni Moreno ang pagpapatuloy sa isang taon ng lahat ng libreng serbisyo na may kinalaman sa pandemya kabilang na ang libreng swab testing, quarantine facilities, hospitalization at pagbibigay ng libreng life-saving anti-COVID medicines. (ANDI GARCIA)