Advertisers
NAPAKALAKI ng laban ni Representative Mike Defensor sa pagkameyor laban kay Mayor Joy Belmonte.
Iyan ang paniniwala ng ilang kakilala kong residente ng Quezon City dahil marami raw ang galit sa alkalde.
Sabi pa nila, kahit nangunguna si Belmonte sa sarbey kumpara kay Defensor na kulelat ay kumbinsido silang mananalo ang kongresista sa halalan ng pagiging alkalde ng Quezon City.
Pokaragat na ‘yan!
Upang manalo si Defensor, gagawin nito ang lahat upang makuha ang boto ng mga botante ng lungsod upang masulot mula kay Belmonte ang pamumuno sa pamahalaang lungsod ng Quezon.
Pihadong lahat ng isyung sa tingin ni Defensor ay mali o palpak ang desisyon ni Belmonte ay uupakan ng kongresista ang alkalde.
Kahit nga iligal na sugal sa Quezon City ay inupakan ni Defensor.
Idinikit ni Defensor kay Belmonte ang pamamayagpag ng illegal gambling sa Quezon City.
Pokaragat na ‘yan!
Kaya naman, sa palagay ko, nababanas sina alyas “Peryong” at alyas “Tisay” dahil kahit na hindi binanggit ni Defensor ang pangalan ng dalawa, ipinarating ng tanggapan ni Belmonte sa liderato ng Quezon City Police District (QCPD) at mga opereytor ng mga “bookies” ng small town lottery (STL), Lotteng at Peryahan ng Bayan (PnB) na bawal ang iligal na sugal sa Quezon City.
Ano kaya ang naging reaksyon ni alyas Ogie V.” ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)?
Pokaragat na ‘yan!
Ano ba ang kinalaman ni alyas Oggire V. sa illegal gambling sa Quezon City?
Ayon sa impormante ng BIGWAS!, itong si alyas Ogie V. ay konektado rin sa National Bureau of Investigation (NBI).
Pokaragat na ‘yan!
Ngayong nanumbalik ang operasyon ng STL at Lotteng sa Quezon City, kailangang tiyakin ni Mayor Joy Belmonte na walang bookies sa mga ito.
Iligal kasi kapag bookies ang operasyon ng STL, PnB at Lotteng.
Alam na alam ‘yan ng mga operareytor ng illegal gambling,
Kaya, kung makarating kay Belmonte na nagsimula na ang mga bookies ng STL, PnB at Lotteng sa kanyang nasasakupan ay siguraduhin niyang kagyat na ipatigil ang mga ito.
Higit na mainam kung ipapahuli ni Belmonte ang mga ito kahit na malaki ang itinulong nila sa unang pagtakbo ni Belmonte sa pagkaalkalde noong halalang 2019.
Kailangang huwag magkaroon ng oportunindad si Defensor na batikusin si Belmonte sa isyu ng illegal gambling.
Siyempre, disperadong manalo si Defensor, sa pagkakataong ito.
Kaya, ultimong pagtanggi ng liderato ng Quezon Memoriral Circle na maglunsad ng political rally ang tambalang Marcos-Sara sa Liwasang Aurora sa Disyembre 8 ay todo-todong binatikos ni Defensor si Belmonte.
Pokaragat na ‘yan!
Ayaw ni Defensor na muli siyang matalo sa kanyang kandidatura sa pagkaalkalde ng Quezon City.
Gusto rin ni Belmonte na manalo siya sa eleksyon upang makadalawang termino siya.
Ang tatay ni Belmonte na si Feliciano “Sonny” Belmonte ay tatlong magkakasunod na termino ang nakamit bago lumipat sa mababang kapulungan ng Kongreso.
Kaya, huwag pabayaan ni Belmonte na magkaroon ng oportunidad ang kanyang mga katunggali sa halalan, lalo na si Mike Defensor, na makakuha ng impormasyong magagamit na ipambabanat sa kanya, kabilang na ang isyu tungkol sa iligal na sugal.