Advertisers

Advertisers

Reklamo ng SSS pensioner vs lending

0 248

Advertisers

ISANG senior citizen ang nag-chat sa atin hinggil sa isang lending company kungsaan nilo-loan nila ang kanilang SSS pension.

Narito ang kanyang reklamo:

Sir Joey, good afternoon. Complaint lang namin ang Lending Investor Inc. located at 800 D. FE-DIZ GM Tolentino St., Sampaloc, Manila. Marami kami mga Senior Citizen nag-loan ng SSS pension namin halos magkalahati ang binabawas sa amin loan. May bayad ang processing, insurance, etc. Itong katapusan ng November 28, 29, nag- release ang SSS ng 13th month pay namin. Hindi naman kasali ang 13th month namin sa loan. Itong December 3, 2021 pumunta kami mga Senior Citizen, kukunin namin ang SSS 13th month namin. Pero sa 3rd week pa daw ng December makuha ang 13th month pay namin. Kailangan namin ang pera. Pumunta kami sa banko nag-verify kami. Nag-withdraw ang Lending Investor sa ATM namin November 29, 2021 pa. Ginawa nila negosyo ang pera namin, deniposit sa account ng Lending Investor Inc.. Sa dami namin naghintay na makuha namin ang pera namin kaninang 10am, December 3, 2021, pinauwi nalang kami. Babalik daw kami 3rd week ng December. Ang iba nakakuha katapusan ng December. Masungit pa naman ang parang officer na babae, suplada, pangit ang ugali, hindi marunong mag-entertain sa mga Senior Citizen. Sana matulungan nyo kami rito. Salamat. – Sr citizen,09635277…



Anong paliwanag dito ng Lending Investor Inc.? ‘Di ba dapat hindi kasama sa kaltasan ng lending ang 13th month ng pensioner just for consideration dahil magpa-Pasko? Dapat sa regular pension lang kumakaltas sa loan ng pensioners. Tama?

Sa mga SSS pensioner naman, hindi ninyo dapat isinasangla ang ATM n’yo. Aba’y magkano nalang ang matitira sa inyo nyan? Dahil tiyak malaki ang kinakaltas ng lending! Hindi maganda ito…

***

Bumabalik na naman ang mga isnatser, holdaper at jumper sa Vitas, Tondo, Manila. Tulad ng reklamo ng isang nabiktima ng snatching na ito:

“Sir Joey, ako po si Joel Ascero ng Vitas, Tondo. Ang problema ko po ay na-esnatsan ako ng celfone sa tapat ng Happyland po. Bumalik na naman ang mga adik, holdaper, esnatser dito sa Happyland. Simula 6:00 ng umaga hanggang gabi. Kapag trapik, saka sila babanat pangholdap o pang-snatch. Mga edad 10 pataas ang mga ito. Dapat li-nisin ni Yorme ang mga kriminal dito sa Happyland. Talamak na naman ang holdap dito eh, dami na naman kasing adik sa lugar. Kahit po sa ilalim ng tulay papuntang Luneta, sa Jones Bridge, marami rin po dyan holdaper. Sana mapaaksiyunan ni Yorme.” – 09186593…



MPD Station 1 Commander, Sir!, kailangan siguro ng police visibility dyan sa highway sa may Happyland. Marami nang taga-trucking ang nagrereklamo na nahoholdap sila dyan sa lugar pag nagka-traffic. Aksyon!

***

Viral ngayon sa social media ang isang malaking tarpaulin na nakalagay sa isang footbridge along EDSA na may nakasaulat na “MAG-INGAT SA MAGNA-NAKAW”.

Umalma kasi ang mga BBM. Pinatatanggal nila ang nasabing tarpaulin. Sinisiraan daw kasi nito ang kanilang kandidato na si Bongbong Marcos. Hehehe…

Actually, ang mensahe sa tarpaulin ay babala o pinag-iingat ang mga dumadaan sa lugar dahil talamak ang snatching at holdap sa erya.