Advertisers
PATULOY ang pamamayagpag ni dating Olympian Charly Suarez sa pro ranks matapos ang nakakumbinsi na uanimous decision win laban sa dating walang talo Delmar Pellio sa main event ngVSP Promotions ”Ultimate Knockout Challenge”sa The Flash Grand Ballroom ng Elorde Sports Complex sa Paranaque, City.
Dalawang beses pinaluhod ng 33-anyos Suarez si Pellio sapat na para ibigay ang kumportabling decision win.
Ang iskor ay 99-89,99-89,at 100-88 pabor kay Suarez.
Suarez ay nanateling unbeaten at umangat ang rekord sa 9-0 may anim na knockouts, Habang ang 21-anyos Pellio ay nalasap ang unang career defeat at nalaglag sa 9-1 na may apat na knockouts.
Unbeaten prospect Carl Jammes Martin (18-0, 15 KO’s) nasilat ang mas experienced Mark Anthony Geraldo (38-10-3 15 KO’s) by unanimous decision sa umaatikabong bakbakan.
Nakuha ng 22-year-old Martin ang decision ng tatlong judges sa iskor na 17-111,115-113,at 115-113.
Nasikwat ni Martin ang bakanting Philippine super bantamweight belt.
Samantala, Michael Dasmarinas ( 30-3-2, 20 KO’s) at kapwa dating world title challenger Ernesto Saulog (22-7-3 9 KO’s) nahatulan ng second round technical.