Advertisers
NASAWI ang isang 67-anyos na bakla nang hampasin ng maso ng 19-anyos na karelasyon nito nang magtalo habang nag-iinuman noong Linggo ng hapon sa Sitio Sibog, Barangay Rio Chico, Nueva Ecija.
Kinilala ang nasawi na si Corseno Manuel, 67, isang bakla; habang naaresto naman sa follow-up operation ang salarin na si Joshua Rano, 19, ng nasabi ring barangay.
Ayon sa ulat, 4:30 ng hapon, nag-iinuman ang dalawa nang biglang magtalo sa hindi pa batid na kadahilanan. Sa kainitang ng kanilang away, dumapot ng maso si Rano at ipinalo sa ulo ng biktima.
Ayon sa pulisya, malakas ang pagkahataw ni Rano ng maso sa ulo ng biktima kaya nagtamo ng matinding pinsala ang matanda na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.
Nahaharap sa kasong murder si Rano.