Advertisers

Advertisers

Galit ka sa korapsyon?, puwes ‘wag maghalal ng magnanakaw!!!

0 373

Advertisers

SIGURO naman lahat tayo ay ayaw ng lider na korap. Tama?

Kaya dapat sa darating na eleksyon ay hindi tayo mag-halal ng mga kandidato na may mga kaso ng katiwalian lalo ‘yung mga nakulong na sa pandarambong, pandaraya at pagsisinungaling.

Napakarami kasing kandidato ngayon mula sa presidentiables hanggang mayorals ang mga tainted ng ko-rapsyon.



Kapag inihalal uli natin ang mga kandidatong may bahid ng katiwalian, ibig sabihin nito ay kinokonsinte natin ang kanilang pangungulimbat sa kaban ng bayan. At ito’y kanilang uulit-ulitin dahil okey lang naman pala sa atin ang sila’y mangulimbat sa buwis ng mamamayan. Tama?

Kaya kung ikaw, kayo ay galit ka sa korapsyon, ibasura ang mga kandidatong may track records ng pagiging tulisan at sinungaling. Maghalal tayo ng mga kandidatong may malinis na pagkatao, may vision sa bayan, para sa kinabukasan ng ating mga anak at kaapo-apohan. Mismo!

Paano ba malalaman kung tulisan ang isang kandidato? Simple lang! Libre ang Google. Oo… igo-Google mo ang kanyang pangalan at mababasa mo kung anong pagkatao ang kandidatong ito.

Para masiguro na tama ang mga nababasa mo sa pagkatao ng kandidatong ito, sa mga website ng malalaking mainstream media mo i-check tulad ng Inquirer, Bulletin, Manila Times, ABS-CBN/DZMM, GMA/DZBB at iba pang media outlets na siguradong hindi fake news ang inilalabas dahil kridibilidad ang pinangangalagaan ng mainstream media. Mismo!

Halimbawa lang dito sa presidentiables. Para masigu-ro mo na walang bahid ng anumang katiwalian ang gusto mong ihalal, igo-Google mo lang ang kanyang pangalan. Example: Vice President Leni Robredo graft case, ex-Senator Bongbong Marcos graft case/controversies, Senator Panfilo Lacson graft case, Sen. Manny Pacquiao tax evasion case, Francisco “Isko Moreno” Domagoso graft case. At mababasa mo kung sino sa kanila ang dapat at hindi dapat maging lider ng bansa sa sunod na anim na taon.



Sa senatoriables naman, para matiyak na malinis ang pagkatao ng kandidatong ito, check it too sa Google. Halimbawa: ex-Senator Jinggoy Estrada, Sen. Joel Villanueva, Sen. Sherwin Gatchalian, Raffy Tulfo, Carl Balita, Samira Gutoc, Antonio Trillanes, at iba pa… Pag nabasa nyong okey ang kanilang pagkatao, aba’y tandaan nyo na ang kanilang pangalan para maiboto sa Mayo 9, 2022. Pero kung may rekord sila ng pagiging kulimbat, burahin nyo na sila sa inyong isipan. Yan ang mabuting botante.

Tandaan: Nasa mga kamay ng botante nakasalalay ang paghalal ng mabubuting lider. Kapag tulisan ang nahalal ninyo, walang dapat sisihin kundi ang sarili ninyo. Kasi hindi nyo igino-google ang klase ng pagkatao ng ibinoto ninyo. O kaya’y hindi ka naniwala sa mga nakalathala na tulisan ang kandidatong ito. Na kaya mo siya ibinoto ay dahil bilib ka sa kanyang mga sinasabi sa kampanya, hindi siya naninira ng mga kalaban, tahimik lang siya kapag inuupakan ng media.

Tandaan: Ang isang tulisang kandidato ay talagang hindi rumeresbak kapag inuupakan, kasi nga lalo lang siyang madidiin kapag sumagot pa siya. Dahil lahat ng sinasabi tungkol sa kanya ay totoo, may resibo. Gets nyo?