Advertisers
KAMAKAILAN hiniling ni PCSO General Manager Royeta Garma sa PNP at NBI na paigtingin ang kampanya laban sa illegal gambling para lumaki ang kita ng kagawaran at matulungan ang mahihirap sa charity project nito.
Ginawa ni Garma ang pakiusap sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) makaraang ibigay sa awtoridad ang P22, 058,902.37 tseke bahagi ng. 5 percent share sa Small Town Lottery, Sa NBI P8, 823,523.72 habang P21, 406, 854.70 tseke sa Commission on Higher Educsrion Ched (CHED). 1 percent sa lotto sales.
Ani Garma, hindi s’ya humihingi ng anumang kapalit sa mga ipinamahagi ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa NBI at PNP ngunit nakiusap ito na suportahan ang ahensiya para matigil ang illegal gambling partikular na ang talamak na jueteng sa bansa.
Naniniwala si Garma, na malaking bagay ang tulong ng PNP at NBI para mapalawak ang gaming product ng PCSO, tulad ng STL at lotto sa buong bansa.
Matapos kalampagin ng PCSO official ang PNP at NBI na paigtingin ang kampanya laban sa illegal gambling partikular na ang jueteng para lumaki ang kita ng kagawaran upang matulungan ang mga mahihirap sa charity project nito ay kabaliktaran naman ang nangyayari sa Oriental Mindoro.
Imbes na tumugon, ay umangal ang maimpluwensiyang pulitiko sa kanyang P2.4-milyon na monthly payola kung saan ilang araw nahinto ang operasyon ng jueteng sa probinsiya.
Itinaas na umano ng jueteng Lord sa P5-milyon ang payola para sa tuloy-tuloy na operasyon.
Anak ng pitong bakang may sungay, sobrang garapal nga talaga gumawa ng pera ang hindot na ito.
Ang masaklap, humirit pa umano ng GOODWILL at ipinagkakalat ng lintek na ang perang mula sa iligal na sugal ay gagamitin ng kanyang buong tiket sa darating na 2022 national local eleksyon sa Mayo.
Nandamay ang pa sa mga walang kaalam-alam nilang mga kapartido.
Ang siste, bukol ang inabot ng kanyang mga kasamahan sa partido sa hindi mabatid na halaga ng GOODWILL.
Sadyang isinama lamang ang kanilang mga pangalan sa usapan para lumaki umano ang halaga ng GOODWILL bukod sa PAYOLA pero etsapwera ang mga kasamahan sa biyakan o hatian ng kuwarta mula sa jueteng lord bilang suhol sa nasabing dorobong maimpluwensiyang pulitiko para malayang makapag-operate ang jueteng na nagkukubli sa ilalim ng Peryahan ng Bayan (PnB) kuno sa 14 na bayan at 1 siyudad sa nasabing probinsya.
Subaybayan natin!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!